__Victorique's POV__ "What was that?!" Bumungad sa akin ang malakas na sigaw ni Elle mula sa kabilang linya. Sa tagal ng pagsasama naming tatlo kasama ni Yna, ngayon ko pa lang siya narinig na sumigaw na naka-direkta sa akin. Ngunit hindi na ako nagulat sa kanyang inakto. "What's is?" Kaswal na tanong ko. "What is-- You left me back there! I thought we had a plan?" Muli pa nitong singhal. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. "I got what I need without executing the rest of the plan." As much as possible, I wanted to drop the call now. I am not in the mood to give any explanations to anyone. "Pinagloloko mo ba ako?!" Nang marinig ko ang mga salitang ito ay nanliit ang aking mga mata. Ngunit hindi pa rin ako nagsasalita mula sa kinahihigaan. At mula sa gilid ng aking mata

