Ikatlong Kabanata

663 Words
mar.grc (Ang paglisan ng anak sa bahay ni lola Gemma) Isang araw, naisipan kong isulat ang kwento ni mama sa isang papel. May nagsabing ang kwento ay ilagay ko sa w*****d kapag ito ay tapos na. Sinabi ko kay mama na magkuwento pa ng mga nangyari at isinulat ko na agad ito. Umiiyak na nilisan ni nanay ang bahay ni lola Gemma. Masakit na lisanin niya ito upang tumira sa bahay ng isa niyang kapatid dahil nasanay na din siya ng nag iisa. Kagagraduate lng niya ng elementarya noon. "Dalaga ka na kailangan mo nang may kasama sa bahay." Wika ng kapatid niyang lalaki." Hindi ko naman kailangang may kasama sa bahay na iba dahil may kasama naman ako." Tugon daw ni nanay. "At sino bunso, yung nanay natin na multo?" tanong pa ng  isa niyang kapatid. "Sa ayaw mo at gusto, aalis ka na sa bahay na ito." saad pa ng kapatid niyang lalaki. Walang nagawa si nanay kundi ang tumira sa kanyang kapatid, ayaw naman niya sa kanyang tatay dahil baka imaltrato na naman siya nito at isa pa naniniwala pa rin ito na may kasama itong multo at maligno.  Naging maayos naman ang pagtira ni nanay sa bahay ng kanyang kapatid, tumagal siya doon ng halos anim na buwan. Hanggang isang araw habang nagpaplit siya ng damit may nakita siyang butas sa dingding at may matang nakasilip doon. Takot na takot daw si nanay at sinalaksak nito ang mata pero nakaiwas ito. Nang sumunod na araw nakita na naman niya ang mata sa butas, nagkunwari siyang hindi ito nakita. Sa isip daw niya mamatay ka sa kasisilip hindi mo naman makukuha. Umisip daw siya ng paraa kung paano makikilala ang taong sumisilip sa butas. Kinabukasan, nandoon na naman ang mata sa butas sinilip niya ito sa ginawa niyang butas at nakilala niya ang may ari ng mga mata dili ibat ang kanyang bayaw. Tinadyakan niya ang dingding kung saan ito nakasilip at agad na nagimpake at bumalik sa bahay ni lola. Tnanong siya ng kapatid niya kung bakit umalis sa bahay nila, sinabi na lang daw niya na mas mapapahamak ako sa mga buhay at nakikitang multo kaysa dito sa bahay ng nanay na hindi ko man nakikita ang mga kasama ko pero alam kong ligtas ako at hindi ako gagawan ng masama. Hindi na sinabi ni nanay ang direktang dahilan ng pag alis niya sa bahay ng kapatid dahil ayaw niyang magulo ang pamilya nito. Tila nasakyan na nila ang ibig niyang ipahiwatig. At muli nang namuhay na mag isa si nanay. Sampung taon na mula ng mag isang manirahang mag isa si nanay sa bahay ni lola tapos na din siya ng sekondarya at kailangan na talaga niyang lisanin ang bahay ni lola upang mag aral sa koleheyo. Pinagtulungan kasi siya ng kanyang mga kapatid at ni lolo para makapag aral sa koleheyo. Tinirhan daw ng mga tito ko ang bahay ni lola dahil inakala nila na tapos na ang mga kababalaghan doon.  Subalit isang gabing walang ilaw may narinig silang mga kaluskos at mga bulungang tila nag uusap. Inisip daw ni tito na may mga taong nagdaraan lang pero naging matagal ang kaluskos at bulungang narinig nila at tila palapit ng palapit kaya sinilip ni tito at doon niya nabatud na walang ibang taong dumaraan bagkos nakakita siya ng tila mga aninong nag uumpukan sa silong ng bahay. Ilang gabi ding binulabog sila ng ganoong sitwasyon kaya napagpasyahan nina tito at sa pagsangayon na din ni lolo na buwagin na ang lumang bahay at patayuan ng mas moderno. Tutol man daw si nanay ay wala siyang nagawa dahil medyo marupok na din ang bahay at bibigay na ito sa ihip ng isang malakas na hangin ng bagyo. Tumira na lng siya sa bahay ng panganay na kapatid sa panahong umuuwi siya sa nayon kung bakasyon at walang pasok. Naging napakabait naman daw ang turing sa kanya ng asawa nito itinuring na din siyang parang tunay na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD