Ngumiti ako nang makitang umiiyak si Acey, natutuwa ako hindi dahil sa pag-iyak niya kundi sa hustisya na nakamit niya na rin sa wakas. "Salamat. Kahit ayaw ko no'ng una sa'yo..." Wika ni Acey nang niyakap ako. Tumango ako at tinitigan si Tito Baldo na nakatanaw sa amin. Nakakaawa ang itsura niya, ngunit mas nakakaawa ang ginawa niya sa amin ni Acey. "Dito na kami titira..." Isang umaga nang umuwi si Ana galing Maynila. Kasama ang mga kapatid ko. Natuwa si Mama kaya niyakap niya si Ana at hinalik-halikan ang mga kapatid ko. Agad nang nagplano si Mama at nagpadagdag ng mga silid sa likod ng bahay namin. Para kay Ana, sa mga kapatid ko at kay Acey. Sabi niya kailangan ko na raw'ng masolo ang silid ko dahil sa susunod na taon, gagraduate na ako at kailangan ko nang may matutuluyan pag umu

