Kuya did not ask anything about Avi after that. Hindi ko siya sinagot at nagkibit-balikat na lamang kaya’t akala ko ay kukulitin niya ako pero laking pasasalamat ko nang hindi na niya ako tinanong pa tungkol doon. I did not want to interfere. Ayaw kong pangunahan si Ate Amesyl sa pagsasabi ng bagay na iyon kay Kuya. Though I think, ayon sa sinabi sa akin ni Kuya, hindi niya nakilala si Kuya Harvey noong nagkita silang dalawa. Sigurado ako na magugulat din siya kapag nalaman niyang si Kuya Harvey ang tatay ng anak niya. It must have been so hard for her not to remember anything about her daughter’s father. Matapos ihatid si Isla sa eskwelahan ay nag-aya akong makipagkita kay Iverson. I want to talk to Ate Amesyl kaya’t sabi ko ay sunduin niya ako sa may playground ng village. Dahil sa ii

