“Alam mo, Riley, ako ang nahihirapan sa pagpapabalik-balik mo. Ano bang problema mo? Nag-away na naman ba kayo ng Nanay at Tatay mo? Sinaktan ka na naman ba? Alam mo kasi---“ “Ate Andeng, tingin mo possible talagang magkagusto ang isang tao sa taong kakakilala lang naman niya?” Mabilis na pagputol ko sa kung ano mang sasabihin niya. Lumingon ako sa gawi niya bago hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Sabihin mo nga, Ate, possible ba talaga ‘yon? Kasi kahit na anong isip ko parang. . . parang mali talaga, e. Para bang hindi naman puwede.” Kunot-noo akong tiningnan ni Ate Andeng kaya’t ilang beses akong kumurap habang hinihintay ang isasagot niya. Kapagkuwan ay malakas siyang bumuntong hininga at marahang napailing. “’Yan lang baa ng pinoproblema mo at ganiyan ang istura mo? Sus, Riley, nasa

