“Pinagloloko mo ba ako?”
Yvvo lifted his chin and looked towards me with a baffled expression on his face. “Do I look like I’m joking?”
Inirapan ko siya at tumingin sa pagkain na nasa harapan namin. “Kung nagjojoke ka, hindi magandang biro,” mahinang sambit ko at napalunok.
Kung nagbibiro talaga siya, talagang hindi ko na siya kakausapin kailanman. Sino ba naman kasing tanga ang magpapahanda ng pagkain tapos hindi kakainin? Napaismid ako. Pero sana nga ay hindi siya nagbibiro. Minsan lang kaya ako makakakain ng ganitong pagkain. Ewan ko ba kasi at nawalan na ng handaan dito sa bayan namin. Halos lahat sila, kapag nagb-birthday, sa mga restaurant kumakain.
Paano naman kaming umaasa lang sa handaan para makakain ng ganito? Mga wala silang puso. . . char! Baka nagtitipid lang sila. Kung ako rin naman, baka ganoon lang din ang gawin ko.
Malakas na bumuntong hininga si Yvvo kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Muli naman akong napasimangot nang makitang nakasimangot din siya. Ayaw kasi agad sabihin kung nagbibiro o hindi, e.
Muli akong lumunok at taas noong tumingin sa kaniya kahit na mula sa aking kinatatayuan ay amoy na amoy ko na ang mabangong amoy ng mga pagkaing ipinahanda niya. “K-Kung wala ka nang ipag-uutos, aalis na lamang ako,” pagpapabebe ko pa.
Aba! Baka mamaya niloloko niya lamang ako na para sa akin nag pagkaing ipinahanda niya tapos hindi pala. E ‘di ako pa ang napahiya? Sus. Huwag na lamang.
“Ayaw mo ba talaga ng mga ito?” tanong niyang muli kaya kinagat ko ang aking mga labi. Temptasyon lamang iyan, Riley. . . Niloloko ka lang niyang si Yvvo. . .
Tumikhim ako bago nahihiyang tumingin sa kaniya. “Ipinahanda mo ‘yan kaya kainin mo,” sambit ko. Kahit naman gusto ko ang mga pagkaing iyon, hindi naman ako marupok, ano.
Malakas siyang bumuntong hininga bago marahang umiling. “Fine. Kung ayaw mo, itapon mo nalang.”
“Ha?!” Agad na tanong ko at naiinis siyang tiningnan. “Gago ka ba? Ang daming tao ang hindi nakakakain ng ganiyan tapos ikaw, ipapatapon mo lang? Nasaan ang puso mo? May puso ka pa b—“
“Na sa ‘yo.”
Bahagya akong natigilan matapos marinig ang sinabi niya. “Ano?”
Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muling may sumilay na mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi. Sumandal siya sa upuan bago muling uminom ng buko juice na hawak niya. “Tinatanong mo kung nasaan ang puso ko, e. And to answer your question, oo, may puso ako. Kaso nga lang, ninakaw mo na.”
Muling nagsalubong ang kilay ko bago ko siya sinamaan ng tingin. “Ako ba ay pinaglololoko mo?” Naiinis na tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi nga sabi ako nagloloko pagdating sa ‘yo,” kaswal na sagot niya bago nag-angat ng tingin sa akin. “Ano? Hindi mo ba talaga kakainin ‘yang mga pinahanda ko? If not, then just throw it away.”
“Nasabi ko na bang ang gago mo?”
Mahina siyang tumawa. “Oh, doll. You already said that a hundred times already. But that’s fine. Patutunayan ko sa ‘yo na hindi ako gago,” sagot niya bago kumindat.
Napangiwi naman ako. Hindi naman ako tanga para hindi makuha kung anong nais niyang iparating. Wala man akong karanasan sa mga ganito, alam kong pasimple niya akong nilalandi. Ang hindi ko lang mawari ay kung mabuti ba ang pakay niya o hindi.
He cleared his throat before gesturing the food infront of us. “Kainin mo na. Sabi mo nga, maraming tao ang hindi nakakakain ng ganitong pagkain kaya dapat huwag mong sayangin. Papayag ka bang itapon ko ‘to? Ayo slang naman sa akin---“
“Tumigil ka nga,” mabilis na suway ko sa kaniya bago siya sinamaan ng tingin. “Oo na, kakainin na.”
A small smile crept his lips before pointing the chair infront of him using his lips. Inismiran ko naman siya bago ako umupo roon. Muli akong napalunok matapos makita ang pagkaing nasa harapan namin. Kinuha ko ang kutsara sa tray bago nag-angat ng tingin kay Yvvo. “Ipapaalala ko lang na kakainin ko ‘to kasi ayaw kong masayang, okay?” paglilinaw ko.
“Okay, sabi mo, e,” sambit niya kaya inismiran ko siya at muling tumingin sa mga pagkain.
Kinuha ko ang plato ng spaghetti at agad na sumubo mula roon. Pasimple namang nanlaki ang aking mga mata nang matikman iyon. Halatang hindi tinipid sa rekado ang spaghetting iyon. Hindi katulad ng spaghetti na natitikman ko sa mga handaan noon. Kumuha naman ako ng fried chicken at kinain iyon kasama ng spaghetti.
Hindi ko na napansin na naubos ko na agad ang spaghetti at tatlong pirasong fried chicken sa loob lamang ng ilang minute. Napalunok pa ako bago nag-angat ng tingin kay Yvvo na alam kong kanina pa inoobserbahan ang pag-kain ko. “Inubos ko para walang masayang,” palusot ko pa.
He chuckled and lifted his shoulder in a half shrug. “Oo na nga. Halata namang hindi mo gusto ata kinakain mo lang para walang masayang,” tila may halong pang-aasar na sagot niya sa akin.
Sinimangutan ko siya bago ako bumalik sa pag-kain. Sunod ko namang tinikman ang cake matapos kong maubos ang spaghetti at manok. Lihim naman akong napangiti matapos matikman iyon. Katulad ng spaghetti kanina, halatang pang-mayaman din ang cake na ito.
“Gusto mo ng chocolate cake? I prefer the mocha one,” tanong ni Yvvo kaya’t nag-angat ako ng tingin.
Mabilis akong tumango at muling sumubo ng cake. “Alam mo bang sa sobrang gusto ko ng chocolate cake, kapag may birthday-an sa amin, nakikipag-agawan ako sa mga bata.”
His brows drew in a straight line as he looked towards my direction. “E ‘di bumili ka nalang sa birthday mo. Nakikipag-agawan ka pa. . .”
Umismid ako at nailing na nag-iwas ng tingin sa kaniya. “’Yang mga birthday party na ‘yan, para lang ‘yan sa mga bata. Saka noon namang bata ko, hindi ako binibili ng nanay ko ng cake, ano. Wala na nga kaming pambili ng ulam, pambili ng cake pa kaya?”
“So. . . you haven’t had a birthday cake before?”
Nagkibit-balikat ako at muling sumubo ng cake. “May mga cake naman sa handaan. Masaya rin kayang makipag-agawan tapos titingnan ako nang masama ng mga nanay ng mga bata. Duh, pasensiya sila.”
“Bakit hindi ka pa nagkakaroon ng birthday cake?”
Nag-angat ako ng tingin sa gawi niya bago siya sinimangutan. “Kakasabi ko nga lang, e ‘di ba? Hindi ka nakikinig. Wala nga kaming pambili, ano ka ba?” Naiiling na tanong ko bago muling sumubo sa bigay niyang cake. Sayang naman dahil isang slice lang ang binigay niya. Hindi pa tinodo at ginawang isang buong cake. Char!
“Ayaw mo ba?” tanong ko sa kaniya at iniangat ang platito na may lamang fruit salad. Sasagot pa sana siya pero agad na akong tumango nang matikman iyon. “Oo nga, sabi mo, ayaw mo,” mabilis na tutol ko.
Nang maubos ko na ang fruit salad ay sunod ko na namang nilantakan ang ice cream na nasa baso. Sarap na sarap ako sa pag-kain nang magtapo ang mga mata namin ni Yvvo. “Gusto mo?” tanong ko pang muli.
“Can I have a tast---“
“Ay hindi. Sabi mo ayaw mo, e. Sabi mo itapon ko na. Wala nang bawian,” pang-iinis ko at sumubo pang muli sa ice cream.
Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapailing at pagmasdan akong kumain. “Akala ko ba ayaw mo? Kung hindi mo gusto, bakit naubos mo?”
Napasimangot ako nang makitang naubos na ang pagkain na nasa harapan ko. ‘Yon na ‘yon? Wala ng kasunod? Parang kanina, ang dami-rami sa paningin ko tapos kakaunti naman pala. Fake news. Ibang klaseng plato yata ang ginamit nila kaya nagmukhang marami.
“Hindi masarap,” pagsisinungaling ko at sinimangutan si Yvvo.
Muli siyang bumuntong hininga at napailing. “Oo, halata nga. Kaya nga naubos mo.”
Pinanliitan ko siya ng mata nang marinig ang sinabi niya. Parang kanina lamang ay ako ang nang-iinis sa kaniya tapos siya naman ngayon ang nang-aasar sa akin? Ang unfair naman yata niyon! Dapat pala, mas tinagalan ko pa ang pag-kain para mas matagal ko siyang naasar.
“Magsabi ka nga ng totoo. . .”
“What?” kaswal na tanong niya at muling uminom ng buko juice. Napalunok naman ako. Bakit hindi niya ako binigyan ng inumin? Napakadaya.
Ipinagkrus ko ang aking mga braso at nanliliit ang mga matang tumingin sa dako niya. Taka naman niya akong tiningnan dahil doon. “Inutusan mo ba si Ateng katulong doon sa loob para ito ang ipagawa sa aking trabaho?”
“Well. . .”
“Kapag sinabi mong oo, ewan ko nalang talaga sa ‘yo. Hindi na talaga kita kakausapin.”
Ngumiti siya sa akin at kinamot ang kaniyang batok. “Then I won’t tell you.”
“Yvvo Fontanilla!” suway ko.
Mahina siyang tumawa na mas lalong ikinakunot ng aking noo. He propped his chin on his palm and his elbow on top of the table. Kapagkuwan ay nakakaloko siyang ngumiti sa akin kaya’t wala sa sarili akong napalunok.
“Ang cute mo kapag nagagalit,” he remarked.
Inismiran ko siya. “Cute naman talaga ako kahit hindi ako galit.”
Dahil sa sinabi ko ay malakas siyang tumawa kaya’t confident akong nagkibit-balikat. Kahit naman hindi niya sabihing cute o maganda ako, alam ko na naman sa sarili ko iyon. Hindi ko na kailangan ng validation ng ibang tao--- lalong-lalo na ng lalaki, masabi lang na maganda ako.
“Nah. You looked like a kitten whenever you’re mad,” nailing na sambit niyia habang nakangiti.
Malakas akong bumuntong hininga at muling napalabi. “Akala ko ba doll? Tapos ngayon, kitten naman? ‘Yong totoo?”
He let out a soft chuckle. “But a doll suits you more.”
“Bakit mo ba ako tinatawag na manika? For your information, hindi ako plastic,” reklamo ko kaya’t muli siyang natawa.
Pansin ko kasi na tinatawag niya akong doll nitong mga nakaraang araw. Hindi ko lamang pinapansin dahil may iba kaming pinag-uusapan noon o kaya naman ay iniiwasan ko siya.
A small smile crept his lips as he leaned forward. Muli naman akong napalunok nang halos ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. “Because you looked like a doll. You’re such a beauty, you know?”
Muli akong nagkibit-balikat. “Alam kong maganda ako, hindi mo na kailangang sabihin.”
“I know. Palagi mo kayang tinitingnan ang sarili mo sa salamin,” biro niya kaya’t sinimangutan ko siya.
For the umpteenth time, a playful smirk etched on his lips before looking towards my lips. I swallowed the lump on my throat out of nervousness. Akala ko ay lalapit pa siya ngunit bumalik na siya sa puwesto niya kanina.
“Punasan mo ang labi mo bago pa ako ang magpunas niyan,” seryosong sambit niya.
Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “H-Huh?”
He drew in a long breath before looking away. “Wipe your lips with your hand before I wipe it using my lips.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at agad na pinunasan ang aking bibig. May icing oa pala ng cake roon at hindi ko na napansin dahil nakipag-usap na agad ako sa kaniya. I swallowed the lump on my throat before turning my gaze towards his direction.
“Umamin ka nga. . .”
“What?” Muling tanong niya at tumingin sa gawi ko. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi nang muling magtagpo an gaming mga mata. Malakas akong bumuntong hininga bago matapang na tumingin sa gawi niya.
“Nilalandi mo ba ako?”
He looks taken aback because of what I said. Agad naman akong kinain ng hiya dahil doon. I silently cursed at myself before I looked shyly towards him. “U-Uh, nagtatanong lang naman ako. Y-You know, sabi mo nga, medyo may pagka-assumera ako kaya tinatanong ko na sa ‘yo—“
“Isn’t it obvious?”
Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natigilan dahil sa tanong niya. Kinakabahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa mga mata niya. “H-Ha?”
“I’m flirting with you. Hindi pa ba halata?”
Bahagya akong napahawak sa may dibdib ko dahil sa lakas ng t***k niyon. My eyes widened in shock upon hearing what he said. I swallowed the lump on my throat before finally taking the courage to ask him the question that I am dying to ask.
“W-Why?”
He smiled as he shrugged his shoulder. “Guess why.”
----