“Are you sure that that’s true? Baka naman nagkamali ka lang ng dinig,” may bakas ng pag-aalalang tanong sa akin ni Delaney. Sumimsim ako sa tsaa ko bago humugot ng malalim na buntong hininga. “Imposible na mali ako ng dinig, Delaney. I even saw her examining another doll. Saka alam mo naman ang mata ko, matalas. Hind nakatakas sa mga mata ko ang laman ng iniabot na paper bag sa kaniya ng kasama niya. Manika rin iyon tapos sabi, para raw sa pamangkin ni Iris. I mean, sino pang pamangkin? Imposible naman na si Isla ang tinutukoy niyon dahil hindi pa naman alam nina Iris ang tungkol kay Isla,” I frustratedly ranted. Malakas namang bumuntong hininga si Delaney at bahagya akong pinanliitan ng mga mata. “Hindi mo pa rin sure, girl. Hindi talaga. I mean, malay mo, may posibilidad na alam na n

