“You want to go back to Batangas?” Nag-angat ako nang marinig ang boses ni Kuya Harvey. Pumasok siya sa loob ng study room ni Dad at umupo sa harapan ko. Kunot noo siyang tumingin sa akin at animo’y nakarinig ng hindi kapani-paniwalang salita. I slowly nod my head as an answer. “Sabi niyo, kailangan kong ayusin ang gulong ginawa ko roon, hindi ba? Maybe. . . maybe it’s the right time. Masiyado na ring matagal mula noong umalis ako roon. Oras na siguro para bumalik at ayusin lahat ng gulong ginawa ko. Para na rin matahimik na kayo. . . tayo,” mahina ngunit determinadong sagot ko. Dad heaved a deep sigh, making me turn my head up to look towards his direction. “’Nak, kung hindi ka pa handa, ayos lang naman. Your brother told me that you’re not comfortable with going back there. Kami na

