08

2006 Words
"Uuwi ka na?" Nag-angat ako ng tingin kay Izaak upang makumpirma kung ako ng aang tinatanong niya. Nang masigurong ako nga ay saka ako tumango. Saglit akong lumingon sa wall clock na nakasabit sa harapan ko at kapagkuwan ay muling tumango sa kaniya. "Tapos na ang shift ko," maikling sagot ko. Bahagya siyang natigilan pero mayamaya ay tumango na rin siya. "Ingat." I gave him a small smile. "Ikaw din," sagot ko at hinubad na ang suot kong apron at ibinigay sa kaniya. "Mauuna na ako," muling paalam ko na sinagot naman niya ng marahang pagtango. Tinalikuran ko na siya at dire-diretsong lumabas sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Medyo marami pa ring tao sa parking lot ng bar kaya't hindi ko maiwasang mapasimangot. Hindi ba sila hinahanap ng mga magulang nila o wala ba silang trabaho kinabukasan? Akmang didiretso na ako sa paglalakad nang may mamataan akong pamilyar na mukha. Naninigarilyo ito habang nakasandal sa isang motor na mukhang pang-mayaman. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi na ako nag-abala pang umiwas ng tingin sa kaniya. Medyo magulo ang buhok nito at seryoso ang emosyon sa mukha. Mula kanina noong nag-away sila ni Matthew ay hindi na ito bumalik pa sa loob kaya't nakakapagtaka na narito pa rin siya. At oo, ang tinitingnan ko ay si Yvvo Fontanilla. Agad akong nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa direksiyon ko. Bahagyang nagtagpo ang aming mga mata ngunit agad din akong umiwas ng tingin sa kaniya at nagsimula nang maglakad para umuwi. Pasado alas dos na ng madaling araw kaya naman wala sa sarili kong niyakap ang aking sarili dahil sa lamig. Dapat pala, nagdadala ako ng jacket para hindi ako lamigin habang naglalakad pauwi. Madilim na ang daan at wala na masiyadong dumaraan. Kung wala sigurong poste ay natakot na ako pauwi. Hindi ko na naman kailangan pang mag-alala na baka may manakit sa akin dahil may nadaraanan naman akong mga bahay na puwede kong hingian ng tulong kung sakali. Malakas akong humikab bago kinusot ang aking mga mata dahil sa antok. Hindi naman kasi ako sanay na magpuyat kaya hindi normal sa akin ang maging gising pa ng ganitong oras. Kung hindi lang dahil sa trabaho. . . Tumigil ako sa paglalakad bago kinuha ang aking pamuyod sa bulsa. Muli akong humikab bago walang kahirap-hirap na itinirintas ang aking buhok. Kung gising pa sina Nanay pag-uwi ko, paniguradong tatanungin nila kung bakit ako nakalugay at hindi nakatirintas tulad ng nakasanayan. My eyes were half open while I'm expertly brading my hair. Paniguradong aantukin na naman ako sa hacienda mamaya dahil kulang na naman ang tulog ko. Alas sais pa lamang kasi ay nasa hacienda na ako kaya't kulang-kulang ay apat na oras lamang ang tulog ko. "Ang hirap kumita ng pera," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad pauwi. Akmang magpapatuloy na ako sa paglalakad nang mapansin ko ang ilaw na nakasunod sa akin. Mabagal ang takbo ng ilaw sa likod ko kaya't alam kong sinusundan ako nito. Wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba. Lilingon ba ako para tingnan kung sino ang nakasunod sa akin o. . . Kinagat ko ang aking ibabang labi bago nanginginig ang kamay na inilabas ang maliit kong salamin mula sa aking bulsa. Dahan-dahan ko iyong itinaas at nagkukunwaring tinitingnan ang aking sarili sa salamin ngunit ang totoo ay ginawa ko iyon upang makumpirma kung may nakasunod nga sa akin. Nanginginig man ang kamay ko ay pinilit kong tingnan ang repleksyon ng kung sino mang nakasunod sa akin gamit ang aking salamin. Napaawang ang bibig ko nang makumpirmang mayroon ngang nakasunod. Naka-helmet iyon kaya't hindi ko maaninaw ang mukha at sakay ng motorsiklong mabagal ang takbo upang sundan ang bawat hakbang ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago dahan-dahang tumingin sa aking likuran. Mukhang nagulat naman siya sa biglaang paglingon ko kaya't wala sa sarili siyang napa-preno. Ginamit ko naman ang tiyansang iyon upang makatakbo palayo. My lips quivered in fear as I ran faster. Takot na takot akong maabutan ng kung sino mang nakasunod sa akin. Baka kung anong gawin niya sa akin kapag nahuli niya ako. . . "Ah! Tangina!" Wala sa sariling mura ko nang matisod ako sa batong hindi ko na nakita dahil sa kadiliman ng daan. Natumba ako sa kalsada kaya't agad akong napangiwi sa sakit nang masugatan ang tuhod ko dahil doon. Akmang hihipan ko ang aking sugat nang maalala ang lalaking sumusunod sa akin. Tatayo na sana ako nang makita ang nakatigil na motor sa aking harapan. Tumakbo papunta sa gawi ko ang driver kaya't hindi maiwasang salakayin ng kaba ang aking dibdib. Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong nang tanggalin ng driver ang suot nitong helmet at nagmamadaling tumakbo palapit sa akin. "f**k! Are you okay?" Humahangos na tanong niya nang makalapit. Wala sa sariling umawang ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang lalaking sumusunod sa akin. "I-Ikaw. . ." "Do you need to go to the hospital? Saan ba ang malapit na hospital---" "H-Hindi ba ikaw si Yvvo?" pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya. Bahagya siyang natigilan at tumingin sa akin. "Bakit mo ako kilala?" seryosong tanong niya. Kinakabahan naman akong napalunok. "Uh. . . Narinig ko lamang kanina noong nag-uusap kayo ni Matthew," nahihiyang sagot ko sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga bago muling tumingin sa may hita ko. "Dadalhin kita sa hospit--" "Hindi!" Mabilis na pagtutol ko sa sasabihin niya. Taka naman niya akong tiningnan kaya't nahihiya akong ngumiti. "H-Huwag na. Ayos lang naman ako. Galos lang 'to." Bahagyang nagtiim ang bagang niya bago nagpalinga-linga sa paligid. Napahilot siya sa sintido bago naiiling na ibinalik ang kaniyang tingin sa akin. "Bakit ka kasi tumakbo? You were fine a while ago but. . ." "K-Kasi ano, nakita kong may sumusunod sa akin kaya. . . k-kaya natakot a-ako," nahihiyang pag-amin ko. Malakas siyang bumuntong hininga. "Bakit ba kasi mag-isa kang naglalakad? It's already two in the morning, woman. Dapat hindi ka na naglalakad nang mag-isa kapag ganitong oras na," sermon niya kaya't hindi mapigilang kumunot ng noo ko. "Ayos naman ako kanina. Hindi naman ako madarapa kung hindi ako natakot. S-Sinundan mo kasi ako---" "Paano kung ibang tao ang sumunod sa 'yo at hindi ako?" He cut my words off. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at agad na napalunok nang magtagpo ang aming mga mata. Tulad kanina ay seryoso pa rin ang itsura niya kaya't hindi ko maiwasang kabahan. Mukha siyang galit. Hindi ko alam kung kanino siya galit. . . sa akin ba o sa mundo? "A-Ayos naman ako," tanging sagot ko bago nagbaba ng tingin. Malakas siyang bumuntong hininga kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi. "Hop in," sambit niya matapos ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya at taka siyang tiningnan. "H-Huh?" "Sabi ko, sumakay ka na sa motor ko. Ihahatid na kita pauwi sa inyo." "H-Ha? Pero kasi. . ." "Paano ka makakalakad pauwi sa inyo kung ganiyan ang tayo mo?" Mahinang tanong niya at tumingin sa tuhod kong may malaking sugat dahil sa bato. Nag-iwas ako ng tingin bago pilit na tumayo. May sugat lang naman ako sa tuhod, hindi naman ako nawalan ng paa. "Kaya ko naman," nahihiyang sagot ko. Humugot siya ng hangin bago muling tumingin sa akin. "May nakapagsabi na ba sa 'yo na nag kulit mo? You're so stubborn," tila naiinis na sabi niya. "N-Nanay ko. . ." "'Yun naman pala. Dapat nakikinig ka na lang," naiiling sa sambit niya. "Sumakay ka na sa motor ko at ihahatid na kita pauwi." Mabilis akong umiling. Kapag nakita siya nina Nanay, baka ako pa ang pagalitan. At saka, hindi ko pa talaga nasisiguro na mabuti siyang tao. Oo at ipinagtanggol niya ako kay Matthew kanina pero kahit na. . . Hindi ko pa rin alam kung sino talaga siya. "Kaya ko na ang sarili ko," mariing sagot ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya. "Saka wala ka namang responsibilidad sa akin kaya hindi mo na ako kailangan pang ihatid dahil lang nakita mo ako sa daan." Marahas siyang bumuntong hininga bago nag-iwas ng tingin. May kung ano pa siyang sinabi ngunit hindi ko na narinig dahil may bumusina sa aming kotse. "Fine. Maglakad ka," pagsuko niya at tinalikuran na ako upang maglakad pabalik sa motor niya. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi bago sinubukang maglakad. Nahihirapan man dahil kumikirot ang sugat ko ay ginawa ko pa rin ang makakaya ko para makalakad. . . ngunit hindi na naman ako nagtagumpay nang muntik na akong matumba kung hindi ako nasalo ng lalaking nagngangalang Yvvo. Malakas siyang bumuntong hininga nang magtagpo ang aming mga mata. Ni hindi ko na namalayan na nakatakbo pala siya palapit sa akin kaya nasalo niya ako nang matumba ako. "K-Kaya ko na," nahihiyang sabi ko at akmang aayos na ng tayo nang bigla niya akong buhatin ng parang sako. Napasigaw naman ako dahil sa ginawa niya. Hinampas ko ang likod niya pero hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad. "Ibaba mo nga ako! Tulong!" sigaw ko nang hindi siya tumigil. "You're so stubborn. Hindi halata sa mukha mo na ganiyan ang ugali mo," kaswal na sagot niya at walang kahirap-hirap na naglakad habang buhat ako. "Ano ba? Hindi mo nga ako kilala tapos ginaganiyan mo ako! Tulong! May manyak! Hoy, ibaba mo nga sabi ako!" sigaw ko at malakas na hinampas ang likod niya. "Oh shut up, Riley," sambit niya bago ako ibinaba. Akala ko ay pakakawalan na niya ako ngunit bigla niya akong binuhat upang iangkas sa motor niya. Tila naestatwa naman ako dahil sa ginawa niya kaya't hindi agad ako nakaalis sa pagkakasakay sa motor niya. Bumalik lamang ako sa aking ulirat nang pati siya ay umangkas na sa motor. "Kumapit ka kung ayaw mong mahulog, Riley," seryosong sambit niya. "T-Teka, paano mo ako nakilala?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya nang tawagin niya akong muli sa aking pangalan. Sa halip na sagutin ako ay agad niyang pinaharurot ang motor kaya naman wala sa sarili akong napakapit sa kaniyang baywang. Kung hindi siguro ako agad nakakapit ay nahulog na ako kaya't hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa takot. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa naging reaksiyon ko. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa baywang niya nang mas binilisan niya pa ang takbo. "You have such a nice name," komento niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Hindi tulad kanina na mukhang pinagtitripan niya pa ako ay binagalan na niya ang takbo ng motor. "P-Paano mo ako nakilala?" "Narinig ko lang," maikling sagot niya at tila ginaya ang sagot ko kanina. Muli ko namang kinagat ang aking ibabang labi kahit na hindi ako masiyadong nakuntento sa sagot niya. Bakit pakiramdam ko, matagal na niya akong kilala? "Yvvo!" Wala sa sariling sigaw ko nang mula sa mabagal na pagpapatakbo ay bigla niyang binilisan ang takbo ng motor. A loud chuckle escaped on his lips, filling the eerie silence surrounding us. Napapantastikuhan ko naman siyang tiningnan dahil doon. "B-Bakit mo ginawa 'yon? H-Hindi magandang biro!" Naiinis na saad ko. Mahina siyang tumawa. "Nothing. I just like it whenever you call my name. It sounds good, isn't it?" Muli naman akong napalunok dahil sa sinabi niya. Bakit naman niya nagugustuhan na tinatawag ko siya sa pangalan niya? He's weird. "Kaano-ano ka ng mga Fontanilla?" tanong ko nang tumahimik na siya. Ramdam kong bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko kaya't akmang babawiin ko na ang sinabi ko ngunit bigla siyang nagsalita. "I'm Ate Danielle's cousin," maikling sagot niya. Agad na nagsalubong ang aking kilay. "Ibig sabihin, pinsan mo rin 'yong matandang hukluban na naghahanap sa akin?" Inosente kong tanong. "Matandang hukluban. . . who is that?" "Si Iverson Fontanilla. 'Yong matandang hukluban na pinsan din daw ni Ma'am Danielle---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang malakas siyang tumawa. Taka ko naman siyang tiningnan dahil doon. "Bakit? Kilala mo ba 'yon?" Muling tanong ko. Natatawa man ay sumagot pa rin siya sa akin. "Wala. Wala akong kilalang matandang hukluban na Iverson Fontanilla ang pangalan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD