IVERSON FONTANILLA POINT OF VIEW. “What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Harveyhabang nakaharap kay Amesyl. Maging ako ay hindi makapaniwala dahil sa narinig. “Are you really thinking that Riley is just putting on an act? You know my sister, Syl. Kahit na hindi mo pa alam na may kinalaman siya sa pagkamatay ng tatay mo, kilala mo na si Riley. You know that she won’t do such thing. Hindi magagawa ‘yan ng kapatid ko, naiintindihan mob a?” Malakas akong bumuntong hininga at hinawakan ang balikat ni Harvey upang pakalmahin ito. Hindi pa man nagtatagal ang katahimikan sa pagitan namin ay muli na namang nagsalita si Amesyl at mukhang walang balak na magpatalo sa kasintahan. “Why are you being so defensive? Natatakot ka ba na maaaring tama ang hinala ko? Think thoroughly, Harvey. Baka ginagawa

