“Do you want to go with me or you want to just take your time?” Mahinahong tanong ko kay Iverson matapos kong kumalma. Maging siya ay kalmado na rin at hindi na umiiyak kaya’t naisipan kong tanungin na siya. It’s almost time for me to pick up Isla. “Why? Where are you going? May appointment ka bang dapat na puntahan?” he asked. I lifted my shoulder in a half shrug before I glanced towards my wrist watch. “Malapit ko nang sunduin si Isla sa Day Care Center. Hindi mo ba susunduin si Avi?” kaswal na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. I felt like all of the burden that I’m carrying back then are already gone. Para akong nabunutan ng tinik nang malaman ang mga rason niya—at mga kasagutan sa katanungan ko noon. “Y-You want me to go with you?”

