“Anong ibig mong sabihin na ayaw akong kausapin ni Iverson?” Marahas akong tumingin sa gawi ni Iris nang dumalaw siya sa bahay namin. Abala kami nina Kuya Harvey sa pag-iimpake ng mga damit namin kaya naman wala na akong oras pa na pumunta sa bahay nina Iverson para personal siyang kausapin. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Iris noong nasa hospital pa si Dad ay umalis na raw si Iverson kaya’t hindi ko na siya naabutan pa sa hospital. Ngayon ko lang siya naisip na kausapin dahil sabi ni Kuya Harvey ay aalis na raw kami sa isang araw. Siyempre, hindi ako puwedeng umalis, ano. I need to talk to Iverson right now. Paano namin mapaplano ang pagtatanan naming dalawa kung hindi ko siya makakausap? I texted Iris a while ago because Iverson was not replying my messages. Sinabi ko sa kaniya na

