IRIS FONTANILLA POINT OF VIEW. “Tell me, Riley.” Nag-angat ako ng tingin nang sa halip patapusin ang sinasabi ni Ate Amesyl ay hindi nakinig si Kuya Harvey. I can sense that he’s utterly mad right now. And if that’s the case, sigurado akong hindi makabubuti iyon kay Ate Riley. “Sabihin mo sa akin kung sino talaga ang pumatay sa tatay ni Amesyl. Kapag hindi mo sinabi, iisipin ko talaga na pinoprotektahan mo lang si Iverson. Is it him, huh, Riley? Nagpapakatanga ka na naman ba?” he added as he glanced towards my brother. Hindi nagsalita si Kuya Iverson at nakatingin lamang kay Ate Rileu na ngayon ay nakayuko na at mariing nakapikit ang mga mata. Her legs were trembling while she’s playing with her nails, probably out of nervousness. “It’s me.” Tila natulos ako sa aking kinatatayu

