“Ate Riley!” I stopped on my trance upon hearing Iris. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang tumatakbo palapit sa akin. My heart sank while looking at her. “Sana ka ba nanggaling? Sabi mo kanina, saglit ka lang pero ang tagal mo. Saan ka nagpunta? Buti hindi ko tinawagan agad sina Kuya kasi kung tinawagan ko sila at sinabing nawawala ka, sigurado akong mag-aalala ang mga ‘yon,” she added as she held my wrist. I bit my lower lip upon noticing how her hands were trembling, probably because of nervousness. “A-Ayos lang ako.” My voice broke as I lied to her. Hindi ako ayos. Halatang-halata naman. Bago pa man maabutan ni Izaak ang kaibigan ni Matthew kanina ay mabilis na itong umalis. Kita ko ang pagtataka ni Izaak sa pagbabago ng emosyon ko pero hindi niya ako tinanong dahil mukha

