Hindi na kailangang mag-aalala pa si Jarred kay Jenan lalo na't siya pa ngayon ang nalalagay sa alanganin. Anumang oras kasi ay darating na ang taga U.S. Navy at kailangan na talaga niyang makaahon mula rito sa dagat.
Buti nalang talaga at napansin siya ng mga kababaihang nakasakay sa yati at sinagip siya ng mga ito. Ipinaliwanag niya sa mga ito na nahulog siya mula sa sinasakyan niyang bangka nang mahagip siya ng malalaking alon at malakas na hangin. May punto nga naman siya dahil alam niyang may bagyo talagang paparating. Pero bago paman mag landfall ang bagyo sa St. Croix, kailangan muna niyang mahanap si Royet. Dahil siya lamang ang may kakayahang hanapin ito. Hindi dahil pamilyar niya ang isla ng St. Croix, o dahil dating matalik na kaibigan niya ito, but because he was the forgotten one, the ghost operative. Wala namang naghahanap sa kanya o nakakakilala niya rito bukod don sa mga Amerikanong operatiba. With any luck, he would slip onto the island undetected. At kung sakali mang mahanap na niya si Royet, hindi talaga siya mag-aksaya ng oras na paaminin itong wala talaga siyang kasalanan at kailanman hindi siya nakipagsabwatan nito bago paman niya ito e-turn over sa isa pa niyang matalik na kaibigan na si Reagan McCartney.
Ngunit madali lang pala sabihin na hindi na niya dapat pang alalahanin si Jenan, pero ang totoo, nahihirapan talaga siyang gawin iyon. Dahil sa oras na makadaong itong yati sa St. Croix, mukhang si Jenan yata ang unang hahanapin niya.
Pero nakita na kaya nito si Royet at napatay? Hindi kasi imposibleng gawin iyon ng dalaga lalo na't nababalot rin ito sa pagkamuhi nito kay Royet. Jenan's conviction to do what was right for her country and her lethal grace were two of the things he loved about her. Ngunit sa palagay niya, mukhang lalagpas na ito sa sinumpaang tungkulin. Nagbago na kasi si Jenan simula nang mabaril ito ni Royet.
Sabagay, normal lang ang magka Post-traumatic stress disorder sa mga nabiktima ng karahasan. Either that or there was some reason deep down inside her, kung bakit gusto talaga nitong mapatay si Royet. Ngunit masyado pa ring mapanganib ang ginagawa nitong pagtugis ni Royet mag-isa.
The idea made his chest tight, which pissed him off. Nagawa nga siyang iwan nito sa gitna ng dagat mahabol lang nito si Royet. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng floating device. Ba't pa ba niya alalahanin ang babaeng iyon? Mabuti pa sigurong unti-unti na lamang niyang burahin ang pagmamahal niya rito. Bahala na ito sa buhay niya. Pero kahit paman sa ginawa nito sa kanya, may parte pa rin sa pagkatao niya na gusto niya itong protektahan.
Eh ganon naman talaga ang personalidad ni Jenan, hindi na siya nasanay pa. Palagi kasi ito ang nasusunod sa gusto nito at kung mag-aaway sila at walang pakialaman sa isa't isa, matatagalan talaga nito ang ganoong sitwasyon, hindi gaya niya na marupok pagdating sa taong mahal niya. Hindi lang mahal na mahal niya ito, he'd loved the challenge of her, too.
Nang makadaong na sila sa isla, hindi na niya muling nakita pa ang speedboat na sinasakyan ni Royet. Eh wala namang ibang pagdadaongan ang St. Croix sa pagkakaalam niya. Dito lang. Maliban nalang kung nakakita ito ng pagdadaongan na isang tago at pribadong resort.
Tama, sugatan ito kaya magtatago talaga ito sa isang liblib na resort dito St. Croix. He also bet that Jenan had started her hunt for Royet at the resort. Madali lang naman para kay Jenan yon lalo na kung nakakabitan niya si Royet ng tracking device, diyan kasi magaling si Jenan kaya siguro madali lang nitong natunton si Royet nang makatakas ito sa kulungan.
Pero ang tanong niya ngayon? Saan ba siya magsisimulang hanapin si Royet? Buti nalang at may naisip siyang opsyon. May kaibigan kasi siya sa isla na isang bar owner nong nilulunod pa niya ang sarili sa alak sanhi ng kanyang pagkasawi.
Papunta na sana siya sa direksyon kung saan nakatirik ang bar ni Eulyses nang marinig niya ang boses ni Jenan. Kinakabahan siya bigla. Paano nalang kung nagkaharap ulit sila ngayon ni Royet? Malapit lang naman siya sa pinanggalingan ng boses kaya kailangan niya itong e-check. The idea of seeing Jenan again made his heart pound, but the best he could do for now was try to ignore it. Yes, maybe she's near, pero forever naman itong out of reach.
*****