Ang matamaan si Royet sa isang bala lang ay tila imposible para kay Jenan. Ngunit kailangan pa rin niyang subukan iyon. Sa palagay niya mas delikado sa mga oras na yon ang kundisyon ng dagat kasi palaki ng palaki ang mga alon. Delikado rin iyon para kay Jarred dahil alam niyang hindi gaanong bihasa sa paglangoy ang lalaki, alam din niyang mababa lang ang hininga nito sa tubig. At kung may mangyari man dito, hindi talaga niya mapapatawad ang sarili dahil sa pagpupumilit niyang habulin si Royet kahit sa kasamaan ng panahon. Subalit nagulantang nalang siya sa isang sigaw na narinig niya sa di kalayuan. Si Royet. Nakita niyang sumabog ang Jet Ski na sinasakyan nito. Anong nangyari rito? Kasama ba itong sumabog sa Jet Ski nito? Her heart pounded in her throat. Napalingon siya sa direksyon ni

