Pinilipit ni Jenan ang sugatang braso ni Royet nang nagpupumiglas ito sa pagkakagapos. Napaungol ang lalaki sa sakit. "Wala ka ba talagang pakialam na nasasaktan mo ang taong walang kalaban-laban sayo?" "Wala. Dahil yan ang sinasabi nilang karma." sagot naman ni Jenan. Napataas ito ng isang kilay. "So ganyan mo ako papatayin, huh?" "Depende sayo." "Sure it is. I feel good to have made it this far. At least maganda ang tanawin dito. Iyan ang wala sa kulungan ko." Napatingin siya sa salamin na dingding kung saan makikita nila ang napakalawak na karagatan. She walked to the wall and closed the blinds. "Bubuksan ko ulit ang mga yan pagkatapos mong sabihin sakin ang gusto kong marinig." "Bakit nakaharap sakin ang camera ng laptop mo? Anong plano mo? To film how you're planning to tortu

