Sumiglang muli si Jenan matapos niyang maalala ang mga pinagsamahan nila ni Jarred sa Brazil. Hindi na niya hinintay pa si Jarred at una siyang umakyat sa fire escape ladder kahit pa sa dulas niyon dahil nababasa ito sa ulan. Nakita niyang nakasunod naman agad sa kanya ang lalaki dahil nasa unang baitang na nga ito. Matapos ang dalawang minutong pag-akyat ay naroon na sila sa rooftop. Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero hindi iyon hadlang upang ipagpaliban nila ang paghahabol kay Royet. Dahil bumagyo man o umaraw tuloy na tuloy pa rin ang hangarin niyang matagpuang muli ang dating kasamahan. Royet was in between four buildings in front of them, pero nakikita niya sa unahan na hanggang sa pampitong gusali lamang siya makakatakbo kasi dead end na. Una siyang tumakbo papunta sa direks

