Walang duda, si Royet nga ang nagnakaw sa isang eroplano ni Harvey. Matapos pagmasdan ni Jarred ang security video, pinasa ito ng lalaki kay Jenan para matingnan ito. "Siya nga." simpleng sabi ng dalaga. Ngayon lang niya nalaman na marunong pala magpalipad ng eroplano si Royet lalo na sa isang seaplane. Tatlong beses naman niyang tiningnan ang video footage gamit ang binigay na smartphone ni Harvey. At sa mga oras na yon isa lang ang sigurado siya - ang kalabitin ang gatilyo pag makaharap na niya ulit ang taksil na si Royet. This time, kailangang hindi na siya papalya. Sa kasalukuyan ang sinaksakyan nilang seaplane ay ang pinakamalaking eroplano ni Harvey. Six seater ito at hinati sa tatlong rows. Sa kada gilid naman ay may bintana na matatanaw mo talaga ang view sa labas. At hind

