"GOOD EVENING po..." kiming bati ko kay Doña Victoria nang yayain ako ni Papa na lumapit at batiin ang mga ito. Noong una ay tumanggi pa ako, dahil nga nahihiya ako sa Doña, at hindi ko alam kung papaano pakikiharapan ang magulang ng asawa ko na hindi ako panlalamigan, pero pinilit ako ni Papa, bilang pagbibigay respeto raw sa mag-asawa, kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang sumama rito. "Oh, good evening, hija..." magiliw na bati naman nito sa akin pabalik, na hinalikan pa ako sa pisngi. "Ito na ba si Brianna?" Nakangiting baling nito kina Mama at Papa na kapwa nakangiting nakatingin dito. "Opo, Doña Victoria..." magalang na sagot ni Papa rito. "Ang ganda-ganda mo, hija." Muling baling nito sa akin. "Mabuti ka pa, at may dalaga na, Kit." Nasa mga mata nito ang fondness habang nak

