Chapter 65

1511 Words

"WHAT was that, Kael?" Kaagad na tanong ko kay Kael nang mapag-isa kami, sa loob silid ko. Pagkatapos kumain, katulad ng dati ay nagkayayaan sina Papa at Aki na uminom sa tree house. Hindi pala... more on, inaya ni Aki si Papa. Ayon sa una, ay limang taon daw nitong na-miss na uminom doon, kasama ang Papa ko, dahil nga ganoon na raw itong katagal na hindi nagagawi dito sa amin. Hindi naman maipinta ang mukha ng anak ko nang sabihin ko rito na baka hindi muna ito makatulog sa tree house ngayong gabi, dahil nga may balak iyong okupahin nina Papa at Aki. Mabuti na lang ay napaglubag ni Mama ang kalooban nito sa pagsasabing sa tabi na lang nito matulog ang anak ko, tutal ay na-miss daw nito ang huli. Kasabay ng pangakong kinabukasan, tanghali pa lang ay aakyat na ito roon, kasama si Papa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD