HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Ninong Aki sa lugar na ito at umaakto na para bang gustong-gusto niya ako. Well, this time, I am not assuming. Iyon naman talaga ang ginagawa niya, at ipinararamdam sa akin, mula pa kanina. Prenteng nakahiga si Ninong sa kabilang sun lounger, nakatupi ang isa nitong braso at nakapailalim sa ulo nito bilang unan. Sa kabila ng suot nitong madilim na aviators, ay kita ko pa rin naman sa gilid niyon ang nakapikit niyang mata, marahil ay nakatulog na, kaya't malaya ko siyang pinagmamasdan mula naman sa kabilang sun lounger, kung saan naman ako nakahiga. Mula sa walang dudang perpekto niyang mukha, ay hindi ko napigilang paglakbayin ang tingin ko pababa sa maskulado niyang dibdib, na lalo pang nadepina dahil sa pwesto niya. Yes

