MULA NANG ARAW na may nangyari sa amin ni Marga ay ay naging maluwag na ito sa mga intimate moments naming dalawa. Hindi katulad noong una na marami itong mga inhibitions... ngayon ay halos wala na. Isa na lang ang rule nito ngayon... bawal sa school. Noon kasing minsan ay pinilit ko itong makipag-make out sa sasakyan ni Aki sa school, pinag-awayan na naman namin. Isang linggo na naman akong iniwasan at hindi kinausap. Huwag ko raw siyang igaya sa ibang naging babae ko na kahit saan na lang, basta't kinati ako, pwede. Natatakot ito na kapag nahuli kami ay tiyak na makakarating iyon sa mga magulang niya, at panigurado na pareho kaming mae-expel. Kaya't magmula noon ay hindi ko na siya kinulit tungkol doon. Kapag nasa campus kami ay nakokontento na lamang ako sa pahawak-hawak ng kamay,

