"YEARS AGO, kung tatanungin mo ako, how do I see myself, ten years from now," sandali akong tumigil. Nagkibit ng mga balikat at kumibot ang mga labi. Sumimsim ako sa basong hawak ko na naglalaman ng mamahaling alak bago nagpatuloy. "Hindi ito ang buhay na maiisip kong kinalalagyan ko. I didn't think I am capable of being this happy and contented." Hindi ko alam kung ngiti ba, o ngiwi ang nakita kong sumilay sa mga labi ni Kit nang humarap sa akin. Napailing-iling pa ito at katulad ko ay sumimsim din sa basong hawak bago nagsalita. "Sino nga ba naman ang mag-aakala na anak ko pala ang makapagpapatino sa iyo?" Umangat pa ang gilid ng mga labi nito bilang pag-ismid saka ibinalik ang tingin sa asawang nakaupo sa hindi kalayuan. Naroon si Marge at nakaupo sa long table. Karga pa rin nito si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


