"BRIANNA, come on, tatanghaliin tayo sa daan." Dinig kong sigaw ni Aki mula sa ibaba. Nakabukas naman ang pinto ng silid ko kaya naririnig ko ang pagsigaw niya. "What took you so long?" Pababa naman na talaga ako, muli ko na lang inikot ang tingin ko sa loob ng silid, at iniisip kung may nakalimutan pa ako. Ang malaki kong bag ay naibaba na ni Aki kanina, at marahil, sa mga sandaling ito ay nailagay na nito sa sasakyan nito. Sa linggo na ang fiesta sa San Ignacio at ngayon ang araw ng luwas namin pabalik sa aming probinsya. Noong una, ang akala ko ay hindi pa sasabay sa akin ng luwas ang asawa ko. Nakausap ko na mga sina Aria na sasabay ako sa kanila. Kaya't laking gulat ko, kasabay na rin ng tuwa, nang sabihin nito sa akin kagabi, na natapos na nito ang mga kailangan nitong tapusin s

