DAHIL nga tanghali na, ay mabilisan akong naligo, at nagbihis. Na hindi naman naging problema sa akin, sa mga oras na ito. Felling ko talaga punung-puno ng enerhiya ang buo kong katawan, sa sobrang excitement. Ang buong akala ko talaga ay maiiwanan ako na mag-isa rito sa San Ignacio pagtuntong ko ng senior high school. Well, sinabi naman na ni Kael na kung saan daw ako, doon din siya mag-aaral. Pero siyempre, mas masaya pa rin kung sa Maynila kami mag-eenrol. Mas malalaki, at mas magaganda raw ang mga Universities doon, ayon sa mga naririnig kong usapan sa campus, saka napapanood sa tv. Buti na lang talaga at ngayon napili ng gwapong-gwapong ninong ko, na bumisita rito sa bahay namin. Indeed, a blessing in disguise. Kahit pa nga ba, hindi ko masyadong bet ang dahilan ng pagluwas niya. O

