IYONG PAKIRAMDAM na may nakatitig sa akin ang sa palagay ko ay siyang naging dahilan ng paggising ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng asawa ko, na nakatagilid ng higa paharap sa akin. "Good morning, Love..." bati kaagad nito nang makita ang pagmulat ng mga mata ko. Dumukwang sa akin si Aki at pinatakan ako ng mabilis na halik sa mga labi. Kaagad na sumilay ang aking matamis na ngiti sa pagbati sa akin ng asawa ko. Ngunit panandalian lamang iyon. Mabilis din iyong napalitan ng pagngiwi nang maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko, lalo na ng bahaging iyon ng pang-upo ko. Sa palagay ko ba, hanggang sa mga oras na ito ay may nakapasak pa rin sa parteng iyon ng katawan ko. Para akong nadudumi na hindi ko mawari. Kagyat na bumadha an

