"HETO ang reseta ng mga gamot na kailangan mong bilhin. Pain reliever ang isa diyan, dahil tiyak na masakit ang buong katawan niya, especially, down there," sinulyapan pa nito si Brianna, na wala pa ring malay na nakahiga sa kama ko, at saka ibinalik sa akin ang masamang tingin. "Ipainom mo agad sa kanya 'yan, para hindi niya masyadong maramdaman ang sakit. Mayroon ding para sa lagnat. May tendency kasi na lalagnatin pa siya mamaya." Dagdag pa niya sa malamig na tinig. Sa sobrang pag-aalala ko nang mawalan ng malay si Brianna kanina ay tinawagan ko si Belle. Pinsan ko sa mother side, at isang Doktor. Pilit ako nitong tinatanong sa telepono kung ano ang nangyari at nawalan ng malay si Brianna, pero wala naman akong maisagot. Papaano ko sasabihin dito na hinimatay ang dalaga pagkatapos na

