"KUMUSTA naman ang pag-aaral mo sa Maynila?" Tanong ni Papa sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Kami na lamang apat nina Papa, Mama at Nanay, ang nanay ni Papa, na nakasanayan ko na ring tawaging Nanay, ang nasa hapag at kumakain. Pagbaba ko kanina ay wala na si Aki. Nang pasimple kong tanungin si Mama, ang sabi ay umuwi na raw at tinawagan daw ng Mama nito, na nagtataka rin kung bakit gabi na ay hindi pa rin dumarating ang anak. Mayroon daw itong dumating na bisita sa mansyon, ayon kay Papa, na akala ay maaga siyang darating, kaya't maaga pa lang ay naroon na. Kaya't kaagad daw na umuwi ang asawa ko nang malaman. Lihim pa na nanghaba ang nguso ko sa narinig. Pasimple kong sinilip ang cellphone ko at tiningnan kung may mensahe ba man lang ito sa akin. Wala. Sino kaya ang dumating

