VISITING and observing the Henriquez’s mansion became part of my daily routine. Minsan ay sa umaga ako pumupunta ngunit may pagkakataon na paulit-ulit akong bumabalik doon sa loob lamang ng isang araw depende sa rami at bigat ng ginagawa ko. And I will always feel delighted whenever…I saw her. Nakita ko siyang lumabas ng bahay kasama ang isang babaeng sa tingin ko ay nag-aalaga sa kanya, maybe for their morning walk. Tinted ang sasakyan kaya alam kong hindi niya ako makikitang pinagmamasdan siya. Ibinaba ko ng kaunti ang bintana upang may marinig ako sa labas. “Eula, huwag kang masyadong lumayo! Baka pagalitan ka na naman ng mama mo!” Nang mapadaan sa may gilid ng kotse ko si Eula ay napansin ko ang mga bandages sa katawan niya. Natigilan ako at nanlamig sa kinauupuan ko. Where did sh

