“CAN I work, Zeke?” May naiwan akong trabaho sa kompanya namin bago ako magpakasal sa kanya. I was training myself so when father retire, I am ready for the position he’s going to give me—iyon ay kung sa akin niya ipapamana ang kompanya namin. Tumigil sa pagkain si Zeke at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya dahil sa ganoon ko lang paraan naitatago ang kaba ko. “Wala naman akong ginagawa rito sa bahay. I can’t stay here doing nothing. I think…I need to work, too. Babalik na ako sa trabaho ko sa kompanya ni Papa.” Napaghalataan agad sa pag-igting pa lamang ng panga ni Zeke na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, lalo na ang pagbanggit ko kay Papa. “I don’t want you near him. He’s going to hurt you again.” Umiling si Zeke at binalingan ulit ang kanyang pagkain. I am happy that he’s

