“SI Azi?” tanong niya, halatang naguguluhan. “I saw him talking to Claude. Sa maniwala ka o hindi, nagkakausap kaming dalawa ni Claude. Hinahanap namin kung saan ang lungga niya nang sa ganoon, magawa namin siyang tuluyang alisin sa mga buhay natin. I am pretending I have amnesia at pinagtatangkaan ko ang buhay mo.” Tumaas ang isang kilay ni Zeke pero hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga ako nang malalim at tumingin muli sa kawalan. I guess, hindi siya naniniwala sa akin. “I’ll let someone investigate Azriel.” Hindi ko alam kung makakahinga na ba ako nang maluwag sa sinabi niya pero alam kong gagawan niya ito ng paraan. “Anong gagawin ninyo kung mapatunayan na…traydor siya?” tanong ko, medyo kinabahan. Nagtiim-bagang si Zeke bago tumingin sa akin. “He knows our rules. Kung

