SOBRA ang naging pag-iingat namin simula nang malaman namin na twins ang dinadala ko. Nang sabihin namin ang balita kina Mommy ay tuwang-tuwa sila. Marami rin siyang pinagbilin sa akin na siya namang itinatak ko sa aking isipan. Maselan man ako sa pagkain at mga naaamoy ko, hindi naman ganoon kahirap. Kung anong gusto ko ay ibinibigay naman ni Zeke. Ang problema, iba ata ang trip ko sa pagbubuntis kong ito. Sobrang emosyonal ko, na pati siguro pagpatay sa lamok ay iiyakan ko. Kagaya na lang ngayon. Inaaway ko si Zeke dahil naabutan ko siyang nakikipag-usap sa dalawang babae habang nagpunta ako ng washroom. Nagbabakasyon kami ngayon sa isang beach resort and my insecurity and jealousy are at their peak! “Thank you,” malanding saad ng babae. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila da

