Confirmed
“PASENSYA kana sa apartment ko, maliit lang kasi ito at makalat...”
Pahayag sa akin ni Sidney habang binubuksan ang handle ng pinto sa kanyang apartment. Napakadilim niyon kung kaya't kinapa niya ang dingding kung nasaan ang switch ng ilaw.
Gumapang kaagad ang liwanag sa paligid. At dahil na rin siguro sa mababa lang ang watts ng bombilya kaya hindi masiyadong klaro ang kulay ng pintura sa loob ng bahay. May pagka mint green na may mixed colored. Simple ang ayos ng loob at hindi naman ganun kakalat katulad ng sinasabi niya. Pagkagaling mo sa pinto ay mini living area ang madadatnan mo. Bandang kaliwa ang maliit na kama. Sa tabi naman noon ang banyo.
“Sapat na sa'kin ‘to. Kahit saan ako tumira walang problema. Hindi naman ako pihikan.” Bahagya akong yumuko upang ilapag ang aking gamit sa isang sulok.
I don't have the right to complain. Biyaya ng maituturing ang may matuluyan ako. Ilang taon ako namalagi sa kulungan kaya mas higit na komportable ang apartment niya kaysa roon. Wala kang nakikita, kundi singaw ng ilaw mula sa labas ng selda. Malamok at tanging kartong pamaypay lang ang nagsisilbing hangin. Isang malupit na karanasan at punong puno ng pighati. Kahit insekto ay hindi kayang makatagal roon ngunit nagawa ko.
“Matagal na rin kasi akong walang kasama rito sa apartment kaya hindi ko na inaabala pa ang sarili na maglinis.” Aniya.
“Magkasama ba kayo dito ni Ella noon?”
Tumango siya at saka naghubad sa harapan ko. Nagulat ako ng makitang mas marami siyang tattoo sa kanyang tiyan. “Gulat ka? Hindi ka nag-iisa. Mga ex-boyfriends ko, ganyan din ang reaksyon sa tuwing darating kami sa umaatikabong bakbakan.” Mapagbiro siyang tumawa habang pinupulupot ng tuwalya ang katawan.
“Na-amaze lang ako sa disenyo ng mga tatto mo. Huwang mong masamain ang naging reaksyon ko.” Mabilis kong depensa sa kanya.
“Ayos lang. Kung nagugutom ka, may pagkain sa refrigerator, initin mo nalang sa microwave. Shower lang ako.” Paalam niya bago diretsong pumasok sa banyo.
Umupo naman ako sa kama at nagsimulang tumanaw sa labas ng bintana. Hitik na hitik ang liwanag na nagmumula sa buwan. Napangiti ako. For so many years that I been stayed in prison, I almost forgot the image of the moon. Ganito pa rin pala iyon kaganda, nagniningning. Hindi ko tuloy manariwa ang sakit ng nakaraan.
Kinapa ko ang aking bulsa nang maalala na naroon ang damit na may burda ng aking anak. Nakagat ko ang ibaba ng aking labi habang pinalalandas ko ang daliri sa binurdahang parte at iyon ay isang bituin. Mabigat na emosyon ang rumagasa sa aking dibdib kasabay ng pagsulpot ng mga alaala.
My little star. Ang rason kung bakit ako naging matatag sa kabila ng mga datos sa buhay. I was a survivor of my own battle.
Nasaan na kaya ang aking munting anghel? Nasaan na kaya ang munting sanggol na sinilang ko sa loob ng kulungan? Maayos lang kaya siya? Dasal ko sana ay kinupkop siya ng isang mabait at mapagmahal na pamilya.
Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng luha sa mga mata habang nakatanaw sa kawalan. Nakalaya man ako sa piitan pero hinding-hindi ako makakatakas sa ala-ala ng nakaraan hanggat hindi ko natatagpuan ang aking anak. Pakiramdam ko nga ay naka-tanikala parin ang aking leeg sa seldang parehaba at walang kinabukasan. Selyado ang palapulsuhan sa kwerdas ng posas. Isang hakbang pasulong sa pag-asa, tatlong atras paatras palayo rito. Kapalaran ng mga taong wrongfully accused.
Lumipas ang buong magdamag na hindi ako nakatulog ng mabuti. Ukopado ng kung ano ano ang isipan ko. It's all about getting enough money para naman mapilit ko ang director ng correctional instiution na sabihin sa'kin ang kinaroroonan ng aking anak. Baka kapag nakita niyang sapat ang perang mayroon ako ay baka sabihin niya na kung nasaan ito. But I guess it's not getting easy. Kasunduan ay isang kasunduan.
“Ayos ka lang ba Novah? Parang balisa ka girl.” Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Sidney.
“O-oo naman. Sige lang ituloy mo ang pagtuturo sakin Sid.” Ani ko, saka itinuon ng buo ang atensyon sa hawak niyang tools.
“Sigurado ka? Kung gusto mo, break na muna tayo since lunch time narin naman?” suhestiyon niya.
“Sige, pero tapusin na muna natin ‘yang huling hawak mo.” Pagtukoy ko sa gamit na nasa kanyang kamay.
Ngumisi lang siya bago nagpatuloy na naputol na sandali. “Ang tawag dito sa hawak ko ay applicator squeeze. Madalas ginagamit to sa mga gusto lang mag pa-henna tatto...”
Panay naman ang aking tango sa mga eksplenasyon niya. Kasalukuyan kaming nasa kanyang workstation. Ito ang aking unang araw sa tatto shop bilang isang employee kaya naman pinapakita niya sa akin isa isa ang ginagamit sa pagtatattoo ng balat ng tao. Hindi ko masiyadong maalala ang mga pangalan ng mga iyon pero nagkunwari akong natatandaan ko lahat. Ayokong mapahiya kay Sidney at baka malaman niyang hindi ako masiyadong nakinig sa kanya dahil lang lumilipad ang isipan ko.
Wala pa ang amo naming si Ravi. Ang sabi ni Sidney, hapon na ito kung madalas pumasok. Marami daw kasi itong negosyo at ang pagtatatto ay isa lamang hobby nito. Nag-iisang tagapag mana, since ito nalang daw ang natitirang anak ng pamilya nito. Ang nag-iisang kapatid nito ay namatay na raw mula sa isang malubhang sakit. Kahit gaano pala kayaman ang tao, hindi pa rin lubos ang saya kung nawalan ka ng taong importante. Nakikinita ko na kung gaano kabigat ang nakaatang na reaponsibilidad sa lalaki bilang ito ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.
Pagkapos ng training session ko kay Sidney ay dumeretso kami sa isang malapit na kariderya. Kasama namin si Jackson, iyong lalaking sumalubong sakin kahapon at tumawag kay Sidney. Mabait naman ito at palabiro.
“Novah, wag mo sanang isipin na ayaw kitang katrabaho ah. Pero matanong ko lang, ano ba talaga ang position mo sa shop?” bakas sa tono ni Jackson ang kuryusidad.
Tapos na kaming umorder ng mga pagkain. Magkatabi kami ni Sidney sa lamesa habang siya naman ang nasa tapat namin.
“Ano ba namang tanong yan Jackson? Hindi pa ba halata? Ipinapasa ko na sa kanya ang korona ng pagiging muse ng tattoo shop!”
“Kailan ka pa naging muse ng shop?” tukso ni Jackson.
“Hindi ko alam kung kailan ako nag start pero last day ko kahapon. Dumating na kasi ang hahalili sa trono ko.”
Napailing ako sa itinugon ni Sidney kay Jackson. Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi. Ang sinabi niya kay Boss Ravi ay talagang pinandigan niya.
Ang lalaki naman kasi na iyon, hindi man lang sinabi sa amin kung ano ba talaga ang posisyon o gagawin ko sa shop bago umalis. Kung umasta kasi ito ay parang visitor lang at parang walang pakialam kung may kliyente o wala. Maari naman akong maging janitress o kaya naman ay taga schedule ng gustong mag pa appointment.
Sumubo muna ako ng ulam bago ako tuluyang sumagot sa katanong ni Jackson. “Hindi ko rin alam e. Sa katunayan, wala naman talaga akong talento at alam sa pagiging tattoo artist. Pero dahil nandito na baka pwede ko naman subukan. Nadedevelop naman ang talent di ba?” pero duda parin ako. Sa bagay na iyon hindi ko pwede i-kompromiso ang sarili.
Nanlalaki ang mga mata ni Sidney na umiling. “Ay naku girl, hindi kita pahahawakin ng karayom. Baka dumeretso sa internal organs nila at mapatay tayo ng kliyente pag nagkataon.”
Mahina akong natawa.
“Ang ganda mo naman kasi talaga Novah. Para kang anghel na napadpad sa impyerno. At si Boss Ravi ang demonyo.” Ani Jackson na may pilyong kislap sa mga mata.
Magkasabay ang hagalpak ng dalawa na parang naintindihan nila ang isat- isa. Pabalik na kami sa tatto shop panay parin ang tawanan nila. Natatawa nalang din ako kahit hindi ko masabayan ang trip nilang dalawa.
Bago namin matawid ang kabilang kalye kung nasaan ang shop ay namataan namin ang kapulisan na nakaparada sa tapat niyon. Ang mga sasakyan nila ay nakakanakaw atensyon sa mga dumaraan. Mayroon ring mga lalaki na nakauniporme ng puti at nagbabantay sa malaki at itim na van.
Bumugso agad ang kaba sa'kin. Ako ba ang sadya nila?
“Anong ginagawa ni Mayor dito?”
narinig kong tanong ni Jackson.
Napalis ang kaba sa aking sistema nang marinig iyon. Hindi ako ang sadya ng mga pulis.
“Haler, bayaw niya si Boss Ravi kaya anytime na gustuhin niyang puntahan ‘yung tao walang kaso.” Sagot naman ni Sidney.
“Ang sabihin mo ex-bayaw...” pagtatama ni Jackson.
“Still naging mag bayaw parin sila. Pamilya parin sila. Kaya hindi ko maintindihan bakit pinahihirapan niya si Boss maka renew ng business permit.”
Palapit na kami sa shop subalit agad humarang ang mga lalaking naka uniporme.
“Wala munang papasok sa inyo. Nasa loob ang mayor.” Matatag na sabi ng lalaki samin, bodyguard marahil ito.
“Tauhan kami ng shop at hinihintay na kami ng amo namin. Over break na kami nito pre.” Pumapalag na ani Jackson sa bodyguard.
“Baka naman kuya, papasukin niyo na kami. Nagtext na sakin ang kliyente ko. Magagalit iyon kapag sinabi kong madedelay ang session namin.” Dagdag litanya naman ni Sidney.
Maingat namang tingin ang nakuha namin sa bodyguard. “Maghintay nalang kayo hanggang sa makalabas ang mayor...”naramdaman ko pinalidad sa boses ng bodyguard.
Kinalabit ko si Jackson at sinabing maghintay nalang kami sa gilid hanggang sa makaalis ang mayor. Labag man sa loob ng dalawa ay nagtungo kami sa malapit na iskinita. Doon kami matiyagang naghintay.
“Sobrang VIP naman ng taong iyon. Dinaig pa ang presidente.” Himutok ni Sidney sa gilid.
“Hayaan mo na, Sid. Baka sobrang confidential lang ng pinaguusapan nila sa loob.” Ani ko.
“Mabuti sana kung walang trabahong napupurnada sa pagbisita niya.” Naglabas siya ng pirasong sigarilyo at saka sinindihan iyon. “Tingin ko talaga may hidwaan ang dalawang iyon kaya ayaw nila tayong papasukin. Siguro ay tungkol sa political issue.”
“Nabalitaan ko rin ’yan. Si Boss Ravi dapat ang tatakbong alkalde dito satin pero dahil matigas ang ulo ng amo natin napasa sa bayaw niya ang posisyon. At dahil patapos na ngayon ang termino niya...hindi kaya tungkol talaga sa pulitika ang pinaguusapan nila.” Duda ring pahayag ni Jackson.
“Tama talaga ang hinala ko. Kaya iniipit niya si Boss sa permit ng shop at kinukumbinsing tumakbo sa eleksyon. Tangina dami nilang issue sa buhay!” Bwisit na sabi ni Sidney.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang makinig sa kanila habang pinapanood ang malayang paghithit ni Sidney sa sigarilyo na parang duon ibinubuhos ang pagka-inis.
Mahirap magbigay ng komento sa mga ganung sitwasyon. Mahirap magbitaw ng puro konklusyon at walang sapat na basehan. At isa pa, wala akong kontribusyon sa istorya ng magbayaw kaya mas magandang tumahimik na lamang. Ayokong sumawsaw sa issue ng iba.
Eksaktong trenta minutos na paghihintay sa wakas ay namataan namin ang pagiging alerto ng mga bodyguards at kapulisan sa paligid. Umentrada ang ilang kapulisan sa entrance ng shop.
Malaking bulto kaagad ng katawan ang namataan kong palabas. A six foot inch and above ang tangkad. He's wearing a formal suit. Maingat itong pinaligiran ng mga bodyguards nang tuluyang makalabas habang guarded ang bawat galaw. Mula sa aking pwesto ay hindi ko masiyadong maanigan ang mukha nito. Ngunit ng bahagyang itong humarap at umambang sasakay sa malaking van ay doon ko natitigan ng husto ang itsura nito.
Pakiramdam ko'y mawawalan ako ng lakas nang unting unting makilala ang lalaki. Hindi ako maaring magkakamali ng tingin. At mas lalong hindi nagkakamali ang mata ko kahit kailan para sa kanya. Kilalang kilala siya ng aking buong sistema.
“A-anong pangalan ng mayor ninyo?” Nilingon ko ang dalawa kong kasama habang sapo ang aking dibdib na walang humpay ang pagkalabog.
“Hindi ko pa pala nasabi sayo. Hindi ka naman kasi tagarito kaya hindi ko alam kung interesado ka pa'ng malaman iyon.” Si Sidney ang sumagot.
Ngunit taliwas iyon sa gusto kong marinig. “Please, Sid. Gusto kong malaman ang pangalan ng mayor ninyo?” ulit ko, basag ang boses. Nanalaytay ang antisipasyon sa aking loob.
Pinagmasdan ako ni Sidney na suot ang pagtataka sa mukha bago tinugon ang aking tanong. “Sepp ang madalas na tawag sa kanya ni Boss Ravi. Pero ang buong pangalan niya ay Sepperino Cervancia.”
Napasinghap ako sa narinig at nanginginig na tinakbo ang loob ng eskinita, napasandal ako sa pader. Nasilip ko pa ang pagdaan ng itim na van paalis ng lugar. It's really confirmed. Nandito siya. O mas magandang sabihin, na ako ang napadpad sa teritoryo niya.