Andito ako ngayon sa school habang inaantay yung teacher na susunod. Dala ko yung laptop ko at mas minabuting mag edit nalang ng mga pending video ko. Halos isang linggo nadin akong hindi nag uupload ng vlog. Nasobrahan ata ako sa pagka-busy sa mga requirements sa school.
Halos trenta minutos na'kong nag eedit ng vlog pero wala padin yung si Ms. Garcia. Kaya tumayo nako at nilapitan si tina na president namin.
"tina.. Sa tingin moba ay papasok paba si ma'am?" tanong ko dahil gusto ko mag punta sa gazebo para dun ako makapag edit at makagawa ng mga requirements sa mga subject ng matiwasay..
"uy belle, mukhang hindi na nga papasok yun, halos ilang minuto nalang ang natitira sakanya" sagot nya sa'kin habang nakangiti. Mabait tong president namin, hindi sya katulad ng iba na nag papakasipsip para lang tumaas ang grade.
"salamat.. Punta muna ako ng gazebo" ngiti ko din sakanya at kinuha na yung mga gamit ko.
Habang nag lalakad ako sa hallway maririnig mo talaga ang mga bulungan nila.
"uy! Si belle yon oh!!"
"grabe ganda ni belle"
"sobrang inaabangan ko mga vlogs nyan ni belle!"
"belle pwede makipag picture?!!! "
Kaya agad akong huminto at nilingon ang babaeng sumigaw. Familiar saakin ang mukha nya siguro nakita kona to.
"hello ako po pala si avi, pwede pobang mag papicture? Sobrang fan nyo po ako" si avi ja halata sa mukha ang saya
"hello avi! Oo naman halika" pag tapos naming mag selfie ay agad din syang nag paalam dahil andyan na yung teacher nila.
Sa totoo lang hindi ko naman ramdam na madami akong fans dahil hindi naman ganun kadami yung subscriber ko. Parang normal lang,simpleng tao lang na gusto ko ishare sa viewers ko yung mga pinag kakaabalahan ko sa buhay.
Nang makarating ako sa gazebo ay agad ko din simulan yung pag edit ko hanggang sa mga requirements ko sa school. Habang gumagawa ako may narinig ako sa katabi ko na nag papatugtog ng isang kanta,kaya siguro napahinto ako at inintindi ang bawat lirikang binibitawan ng kumakanta.
"Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala mang pag-asa
Turuan mo naman akong limutin ka"
Hindi ko kilala yung singer at sa tingin ko hindi lang iisa ang kumanta nun dahil narinig ko na may ibang blend yung mga boses nila.
Ting!
Agad akong nawala sa focus sa pakikinig ng kanta. At agad din tinignan ang phone kong tumunog.
Archie: belle san kana? Halika na mag nenext subject na.
Kaya agad akong napaayos ng mga gamit ko at namamadaling bumalik sa room. Agad naman bumungad sakin si Archie na nakataas ang kilay.
"san ka naman ng galing belle???" lapit agad sakin ni Archie. Etong baklang to akala mo nanay ko.
"dyan lang sa gazebo nag edit lang ako ng video para makapag upload nako mamaya.." agad kong sagot habang nililibot ko ang mga mata kong sa mga classmate kong nakatingin lang din sakin. Akala mo naman first day ng class..
"akala ko nakipag kita ka e" halakhak nya at tumabi sakin. Bigla kong naalala yung kanta na napakinggan ko sa katabi ko sa gazebo kanina.
"bakla, may tatanong ako. May-" agad naputol yung sasabihin ko ng dumating na yung next subject namin.
"belle maya mo na itanong yan."saad ni Archie habang itinuon na nya ang kanyang paningin kay Ms. Bernas
Halos lumilipad isip ko sa mga dapat gawin. May mga nag iinvite din sakin mag guest sa mga shows nila, minsan gusto makipag collab. Napaisip nga ako hindi pa naman ako ganun kadaming viewers para maimbitahan sa mga ganun. Pero minsan gusto ko din subukan.....
"kayo pano nyo malalaman sa sarili nyo na tiwala kana sa tao?" tanong ng guro sa'amin kaya agad akong bumalik sa ulirat at nag aantay ng tatawagin. Dinalaw ako ng kaba na mag tama ang mga mata namin.
"Ms. Ramirez, ikaw sa tingin mo pano mo sasabi sa sarili mo na tiwala kana sa tao?" at isang ngiti ang binigay nya. Agad akong tumayo para sagutin ang tanong nya.
"siguro po masasabi ko na tiwala nako sa isang tao o sa mga nakapaligid sakin kung masasamahan nila ako kahit saan. Kumbaga sa up and downs kopo,dun kasi malalaman kung mag iistay sya o sila kung wala at meron ka. Mas nagiging komportable ako sa ganung mga karanasan ng pagkakaibigan. "isang ngiti din ang binigay ko sakanya at umupo. Hindi ko alam kung baket sakin natanong yan..
" magaling, pero may pafollow up question ako sa'yo. Ikaw ngayon may napag - kakatiwalaan kana ba ngayong tao?" habang paikot ikot na nag lalakad si Ms. Bernas sa harap. Tumayo muli ako para sagutin ang kanyang tanong.
"Yes Ms. Meron po. Si Archie kaibigan kona po sya bago pa magsimula yung klase at masasabi ko na sa mga napag daanan ko ay nakasama ko sya. Sa rants ko sa life and sa mga masasayang nangyare sakin." ngiti ko sakanila. Napansin ko naman na naluluha si archie! Parang siraulo e.
" kung di lang beki tong si archie baka mapag kamalan kona mag jowa tong dalawa"
"grabe swerte ni Archie na si belle best friend nya!"
"swerte din si belle kay archie kung tutuosin"
Kanya kanya silang bulungan at kanya kanya din silang opinyon sa kung sino ang swerte samin ni archie.
"Ms. Ako din po, si belle lang din kasama ko sa mga drama ko sa buhay! Siya din po kasama ko sa mga masasayang pangyayare. Swerte ako na bff koyan!" singit naman ni bakla at nag simulang umiyak. Parang ewan lang. May sakit na ata to at ganyan na sya makapag inarte!
" nakakatuwa naman ang pinag-samahan nyo. Sana in the future kayo padin yung mag kasama. Dismiss na tayo. Thank you everyone"agad lumabas si Ms. Bernas kaya nag ingay nanaman ang mga kasama ko dito.
" belle! Grabe ka naman kasweet sobra na!"sabay yakap saken netong si bakla.
" may bayad yon! "sagot ko sakanya. At nag pipigil ng tawa dahil sumama ang tingin.
" ikaw nga ang dapat manlibre dahil 100k subscriber kana! May YouTube Silver Play Button kanaa! Ang shala mo tas sakin pa nag papabayad"agad nanlaki ang mga mata ko. Diko pa nacheck yung youtube ko kanina kung ilang subs naba ako. Diko ineexpect.
"hoy bakla wag moko binibiro ah! Teka nga" chineck ko at 100k na talaga sya. Hindi ko ineexpect na ganun talaga!
"oh ako paba manlilibre? Galing proud bestfriend here!" hawi ng buhok ni bakla akala mo naman.
"teka nga! May tatanong ako sayo. Baka kilala mo yung kumanta ng ano napagkinggan ko lang kanina sa gazebo" hindi ko mabanggit yung tittle dahill hindi ko naman alam yon.
"anong ano belle? Ayos kapa ba?" kunot noo sakin ni archie, sa hindi ko alam tittle non!
"kanta sya, yung may lyrics na Turuan mo naman akong limutin ka.." kinanta ko para makuha nya yung gusto ko malaman!
"shala kinanta pa ah! Alam ko tilaluha yun! Trending yun na kanta e" halakhak naman ni bakla habang inaya nako palabas.
"sino kumanta? Isang tao lang ba? Isearch ko nga" nilabas ko agad yung phone ko
Habang nag ttype ako biglang nag salita tong isa...
"bakit ba gusto mo malaman? Fan kana din nila? SB19 yung name nun" kasabay nun yung pag pindot ko ng group ng kumanta ng Tilaluha.
SB19??
____________
ty n ily...