CARMEN's P O V " Hindi na ba, anak, mababago ang desisyon mo? Baka naman matutunan mong mahalin si Toff? " malungkot na saad ni Mommy nang sabihin ko sa kanila ang desisyon ko kinabukasan Nasa hapag kainan na kaming lahat habang kumakain ng almusal. " Paano po kung hindi? Tsaka, ayoko pong dahil lamang sa magiging anak namin kaya ko siya mamahalin. " Mahinahon ko namang tugon " Okay na rin po iyon, Mommy, para iwas toxic din kay Bunso, sigurado pong marami ang mag tataas ang kilay kapag nalaman ang kalagayan niya. Baka makasama sa kanila ng baby niya ang sobrang stress. " paliwanag naman ni Kuya Oscar " Pero babalik ka naman siguro rito pagkatapos mong manganak? " paninigurado ni Ate Tess " Oo naman 'no! Iiwas lang ako sa mga toxic people! " pabirong saad ko pero nalulungkot pa

