THIRD PERSON's P O V Gaya ng inaasahan ay na discharge na nga kinabukasan si Clyde. Kaya walang pag sidlan ang kasiyahanh ng pamilya Santos. Nagkaroon ng munting salo- salo sa bahay nila para sa mga kamag- anak at malalapit na kaibigan. Kalaro naman ni Clyde ang mga pinsan niya pero pawang mga board game lamang. Dahil bawal pa nga siya sa mga physical activities. " Mommy? " masuyong tanong nito habang nililinisan niya ang katawan, kakauwi lamang ng mga kapatid ni Carmen at pamilya ng mga ito. " Hhmmm? " patanong naman niyang sagot " Kailan po ako pwedeng mag laro ng basketball? " natigilan naman siya sa pag bibihis sa anak dahil sa tanong nito Humugot muna siya ng malalim na buntong- hininga bago sumagot. " Itatanong natin sa Doctor mo kung kailan pwede. " masuyong paliwanag ni

