THIRD PERSON's P O V Dumaan pa ang mga araw na walang paramdam si Jansen sa kanya. Naka- on naman ang cellphone nito at nagri- ring, naka- ilang padala na rin siya ng mga messages. Kahit sa social media accounts nito ay wala pa ring response. Kaya hindi malaman ni Carmen kung ano ang nangyayari sa nobyo. Wala naman siyang mapag tanungan sa pamilya nito dahil ayaw nga sa kanya dahil sa pagiging dalagang Ina niya. " Good morning, Carmen, pwede ba tayong mag- usap after nang klase natin? " tanong ni Vic sa kanya bago sila tumungo sa kanilang mga unang klase, absent si Leny dahil may sakit ang isang anak nito " Good morning too! Tungkol saan, Vic? " salubong ang kilay na tanong naman niya sa kasamahang guro " Basta! Importante kasi kaya mamaya na lamang. " saad pa nito " O- Okay! " tugo

