CARMEN's P O V " Mommy! Gising na po ikaw, malapit ka na pong ma- late sa klase mo! " yugyog ni Clyde sa balikat ko sabay pupog nang halik sa mukha ko " Hhhhmmm! Inaantok pa si Mommy! " impit kong tugon " Naka- ready na po ang breakfast natin, Mommy! Baka po magalit si Lolo! " sambit pa niya kaya napilitang tumayo si Carmen " Oo na! Eto na po babangon na! " pabirong tugon ko kaya napa bungisngis siya Pumasok naman ako sa banyo para mag hilamos at toothbrush. " Bakit po hindi pa kayo naligo at nag palit ng damit? Wala po ba kayong pasok sa university? " inosenteng tanong pa ni Clyde nang makalabas ako ng bathroom " Oo, nag- resign na kasi ako. " pilit ang ngiting tugon ko tsaka ko hinawakan ang kamay niya palabas ng aming silid " Huh!? Ano po iyong resign, Mommy? " napapa kamo

