CARMEN's P O V " Good boy ka naman ba sa school ni Mommy, hhmm? " masuyong tanong ni Jansen sa anak ko nang dumalaw siya kinagabihan at ibida nga ni Clyde na sumama siya sa akin " Opo! Naka upo nga lang po ako habang kumakain! " magalang naman niyang tugon, " Masarap po palang mag- aral, Tito Jansen, uupo ka lang at makikinig sa Teacher tapos kakain at uuwi na! " dugtong pa niyang wika kaya bahagya kaming natawa ng aking nobyo " Hindi lang ganoon kadali iyon, baby, 'di ba nag- exam sila kahapon? " tango naman ang isinagot ng anak ko, " So, kailangang mag- review kung may natandaan ba sila sa mga itinuro kong lesson no'ng nakakaraang mga linggo. Iyon ang ni- exam nila. " mahinahon ko namang paliwanag sa kanya " Paano po kapag may nakalimutan at walang naisagot? " inosente pa niyang ta

