CHAPTER 4

2085 Words
“ Hi ” bungad na bati niya sa babaeng umagaw pansin sa kanya. Malalim na ang gabi noon, tanging mga butuin sa langit ang nagsisilbing ilaw sa madilim at mahabang gabi na yon ng isang munting babae ang umagaw sa kanyang pansin. Maganda ito kahit sa madilim ay maaaninaw mo ang gandang dala nito, kumikinang iyon at mas lalo pa pinakinang ng liwanag ng mga bituin sa langit. Mula sa malayo ay kitang kita ni Apollo ang magandang babae na yon. Habang tila naglalarong angel sa kalagitnaan ng gabi. Masaya itong tila nagsasayaw sa liwanag ng butuin. Paikot ikot na parang nakikipaglaro sa mga kulisap na may mumunting ilaw isama pa ang masayang mukha at napakagandang pagkakangiti ng dalagang babae na kanyang natatanawan. Nagpasya siyang lapitan ito at usisain kung bakit sa kahabaan ng gabi ay nasa labas pa ito, napakadelikado sa isang napakagandang babae na gaya nito ang lumabas at makipaglaro sa mga kulisap na may mumunting ilaw. Paano nalang kung masamang lalake ang nakakita rito at hindi siya, baka kung ano na siguro ang ginawa at nangyari sa magandang dilag na kanyang nakita. “ Hi ” ulit na sabi niya. Sa wakas ay nakuha na rin niya ang atensyon ng magandang dilag. Akala niya ay hindi siya lilingunin nito. Mas maganda pala ito sa malapitan sa kanyang inaakala. Tila naman nagulat ang babae sa pagkakakita sa lalakeng kaharap “ Sino ka? ” kinakabahan na nagtatakang tanong ni Eula. “ Sorry nagulat ba kita? Napansin kasi kita mula sa malayo, mukhang nagsasaya kang makipaglaro sa mga kulisap. Ngunit bakit napakalalim na ng gabi ay nasasalabas ka pa? Napakadelikado para sayo, napakaganda mo pa naman baka mamaya ay mapagtripan ka ng masasamang lalake. Takaw pansin pa naman ang gandang taglay mo ” isang biro ngunit may katotohanan lahat ng sinabi ni Apollo para sa babaeng nasa kanyang harapan. “ Bakit isa ka ba sa kanila? May balak ka rin bang gawan ako ng masama? Saka ano bang pakialam mo? ” singhal na pagkakasabi sa lalakeng kaharap. Inis si Eula dahil sa lalakeng nangingialam sa kanya. Tumakas pa naman si Eula dahil sa kagustuhan makita ang mga kulisap. Sinigurado pa niyang walang ni isang makakakita sa kanyang pagtakas. Dahil natitiyak na malilintikan siya sa kanyang Ama. Eepal naman ang kanyang Tita Shine sa malamang. Gatol Kasi ito sa palagiang pagtakas, kaya tuloy lalo nanggagalaiti sa galit ang kanyang Papa. Kaasar akala niya pa naman ay wala nang ibang makakakita sa kanya. Hindi niya inaasahan na may isang lalake ang makakahuli sa kanya. Naiinis na sabi pa ni Eula sa sarili. Parang natawa pa ang lalake sa sinabi ni Eula. Para naman nainis si Eula sa reaksyon nito sa sinabi niya ” Magkakamali ka Miss, hindi ako masamang tao na gaya ng iniisip mo. Napadaan lang din ako rito habang nakita kita mula sa malayo. Ako nga pala si Apollo San Diego. Isa akong bakasyonista taga Manila ako, sumama lang ako sa isa sa mga kaibigan ko rito sa Cagayan. Nacurious ako sa sinabi niyang maganda rito, maganda nga pala dahil sa magandang tulad mo ” nakangiting pabiro nito habang pinakikilala ang sarili sa babaeng si Eula. “ Ikaw anong pangalan mo? ” Tila ay nagulat muli si Eula. Taga Manila pala ito, marami na siyang naririnig tungkol sa Manila. Malayong syudad mula rito ang Manila kung bibiyahihino iyon mula rito hanggang paluwas ng Manila swerte na makarating ka roon ng dose oras. Napakalayo kasi nito talaga. “ Ako si Eula. Eula Valdez taga rito ako sa Rancho. Taga Manila ka pala? Diba maganda roon? Marami akong naririnig tungkol sa Manila, maraming pasyalan, magaganda at ibat ibang uri na pailaw na sa gabi pinaiilaw. Hindi gaya rito, malawak na lupain ng Rancho lang ang aking nakikita. Sa gabi naman mga ilaw ng mumunting alitaptap ang iyong makikita. Saka maraming tao sa Manila diba? Masaya, maiingay, ahh maiingay na mga sasakyan marami rin pala ” pabiro na sabi pa ni Eula ng maisip ang nag iingayang mga sasakyan na maririnig sa kahabaan ng buong maghapon sa Manila. Sa gabi naman raw ay maiingay na mga bataan o kadalagahan at kabinataan na gumagala at naglalabasan pag sapit ng gabi. Ang sabi ng yaya Miranda niya normal sa Manila ang sa gabi ay makikita mong mas maraming tao sa kalye kesa sa umaga. Dahil ang karamihan sa Manila ay sa gabi nagtatrabaho mga Call Center Agent raw ang sabi ni Yaya. Pero mayroon rin ilan na nagliliwaliw at nagsasaya sa gabi matapos ang maghapong trabaho inuumaga naman sa pagpunta sa samot sariling Disco Bar, KTB Bar or kung anong tawag pa sa mga Bar na yon. Hindi ko na matandaan! Basta maraming pailaw na may iba’t ibang kulay laman nuon ay maraming lalakihan at kababaihan except sa mga kabataan na naghalang sa Kalye. Pero nakakatakot rin raw sa Manila ang sabi ni Yaya Miranda dahil maliban sa mga taong nagsasaya sa gabi marami rin naghalang na tuso at masasamang loob nambibiktima ng mga taong mayayaman ngunit hindi rin minsan. Madalas pati pangkaraniwang tao ay binibiktima ng mga iyon. Nakakatakot. “ Ou tama ka roon ” sagot ng lalakeng kaharap “ Bakit nakapunta ka na rin ba ng Manila? ” “ Huh? ” gulat na turan ni Eula “ Hindi pa eh ” maliban kasi sa Rancho ito lang ang madalas na mapuntahan. Kung papasok sa school hatid hatid naman siya ng kanyang Ama. Wala nga siya naging kaibigan dahil weird raw siya. Kasi nga ayaw na ayaw ng Papa niya na makipaglapit siya sa kahit na sino maliban sa mga taong gusto nito. Iyon yung mga anak ng mayayaman niyang kaibigan at kasosyo sa Negosyo. Walang pakialam ang Papa niya kung isa sa mga ito ay maging kaibigan o magustuhan niya bilang Nobyo. Basta sa mga anak ng kaibigan nito walang kaso makipaglaro siya o makipagkaibigan pero kadalasan ay ayaw naman sa kanya ng mga ito. Hindi naman nagulat si Apollo sa sinagot ng dalaga, maaari nga hindi pa ito nakakapunta roon ngunit nagtataka siya sa itsura at pustura ng dalaga maaring nanggaling ito sa mayamang angkan. Kaya imposible na hindi man lang ito nakaluluwas ng Manila. “ Sa itsura mo ay galing ka sa mayamang angkan, nakikita ko na anak ka ng Isa sa mayayaman na naninirahan dito sa Rancho. Pero bakit hindi ka pa nakararating ng Maynila? ” Nahalata pala ng lalakeng ito ang kanyang antas na pinagmulan totoo nga na maging ito ay magtataka kasi madalas si Papa niya lang ang lumuluwas ng Manila para maghatid ng mga gulay at prutas na dineliver sa mga malalaking restaurant na binabagsakan sa Manila. Syempre isa na rin roon ang puntahan at asikasuhin ang Negosyo roon. Fruits and Vegetables Company ang hawak ng kanyang Papa ito ang Negosyo nito umaangkat rin siya ng mga Imported Fruits and Vegetables sa ibang bansa maliban sa mga local na naaani sa Farm sa loob ng Rancho at ang mga sinusupply kay Papa ng ilang mga Business Partners nito. “ Hindi pa, ayaw ni Papa ” sagot ng dalagang si Eula. Nagtaka naman ang binatang si Apollo “ Bakit naman? Napakalawak ng Manila bakit ni minsan ay hindi ka sinasama ng iyong Papa? ” sabi pa muli ni Apollo nabanggit niya kasi na si Papa niya lang ang lumuwas ng Manila upang asikasuhin ang Negosyo nito. “ Maingat si Papa bata pa lang ako ayaw niya makihalubilo ako sa iba, maliban sa mga anak ng kanyang mayayamang kasosyo. Kaya nga wala akong kaibigan dahil lahat sila ay takot akong lapitan. ” paglalahad kwento niya. Sa mga sandaling iyon ay nakapalagayan na ng loob ni Eula ang binatang si Apollo. Mukhang mabait kasi ito at masayang masaya siya dahil mukhang sa wakas ay mayroon na siyang magiging kaibigan at hindi lang si Yaya Miranda niya ang kanyang nakakausap. Pero aalis rin naman ang binatang lalake dahil taga Manila ito. Isang bakasyonista lang ito sa kanilang nayon. “ Ang sabi mo hindi ka pa nalalabas ng Rancho diba? Hindi ka pa nakakapamasyal kung ganoon? Hindi mo pa nakikita ang ganda ng inyong lugar? ” Sabi ni Apollo sa babaeng si Eula. May ilang gabi na silang palihim na nagkikita hanggang sa inabot na iyon ng dalawang linggo. Maiksing panahon lang ang ilalagi ni Apollo sa lugar ng bayan ng Cagayan dahil muli ay babalik na ito sa Mundo niya kung saan maraming maiingay at maraming stress na trabaho. Tambak na trabaho na kanyang araw araw na hinaharap. At maiingay na kasosyo nila sa negosyo na panay pagalingan at sapawan wala naman mga alam sa pagpapatakbo ng Kumpanya, agas at yabang lang meroon silang lahat. Hindi pa niya nasasabi kay Eula na galing siya sa mayamang angkan kung saan anak siya at nagmamay ari ng isang napakalaking Kumpanya sa Manila. He manage their Family Business dahil sa kagustuhan ng kanyang Lola Anastasia. Ang San Diego Group of Company, they’re inport and export ng iba’t ibang uri ng mga Fashion Bags at mga sikat ngayon at nauusong mga kasuotan ng babae at lalake, bata o matanda man. We own SDC Mall isa sa naglalakihang Mall sa bansa. But Eula not like a rich man, hindi niya gusto ang isang mayamang lalake dahil kagaya lang raw ito ng mga mayayamang anak na nakilala sa pamamagitan ng kanyang Papa. Kaya minabuti niyang ilihim rito ang kanyang estado sa buhay sa takot na lumayo ito sa kanya. Unti unting nahuhulog na kasi siya sa munting dalaga simula ng magkapalagayan sila ng loob at sa madadalas na patagong pagkikita nila tuwing sasapit ang gabi. “ Minsan nalalabas ako, pero pag namimili lang ang mga Tita Shine at ang anak niyang si Raquel. Madalas iniiwanan nila ako at sila lang ang nag iikot na dalawa ng anak. ” Sagot ni Eula. Hindi kasi nais ng Tita Shine at anak nitong si Raquel na makasama siya sa pagsho shopping ng mga ito. Napipilitan lang sila dahil sa kanyang Papa, umuuwi naman siyang walang dala. Kaya madalas nagtataka ang Papa niya kung bakit ni isa ay wala siyang dala hindi gaya ng kanyang Tita Shine at Raquel na sandamak mak na dala ang mga pinamimili ng mga ito. Mahilig magshopping at mag waldas ng pera ang mga ito hindi gaya ni Eula. Ayos na sa kanya ang mga bagay na pinamimili sa kanya ng kanyang Papa. Palibhasa kasi ay pera ng kanyang Papa at wala lang rito ang pera na ginagastos ng kanyang Tita Shine at anak nitong si Raquel. “ Gusto mo bang pumasyal tayong dalawa Eula? Sa darating na linggo ay aalis na ako baka hindi na tayo muli magkita pa, o matagalan dahil magiging busy ako sa aking trabaho. Alam mo naman kailangan ko mag ipon para kung sakaling mabalikan kita kahit papaano ay mabigyan kita ng maayos na buhay. Gusto ko sana ikaw ang makasama ko Eula sa aking pagtanda, nais mo rin ba yon Eula? ” tanong ng binatang si Apollo kay Eula. Nabigla si Eula sa katagang mga sinabi ng binatang kaharap. Ou at tila nahuhulog na rin ang kanyang loob rito subalit hindi niya akalain na magtatapat ito sa kanya ng ganoong kabilis. Dalawang linggo pa lang mula ng makilala niya ito subalit nagdadalawang isip pa siya kung talagang Mahal na niya ito. Hindi pa sigurado si Eula sa nararamdaman para sa binatang si Apollo nais muna niya sanang makasigurado ngunit maging siya ay ayaw na sana niya magkalayo pa sila. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kaibigan maitututing niya at nakakausap niya, patago nga lang subalit masaya siya. Dahil sa patagong pagtakas sa gabi ay mayroon na siyang nakakasama at nakakausap sa mga bagay bagay na nais niya malaman. Kulang kasi si Eula sa kaalaman tungkol sa bagay bagay na nangyayari sa labas ng kanilang Rancho lalo na sa Manila. Excited siya palagi nakikinig sa mga kwento ni Apollo tungkol sa klase ng buhay na mayroon sa Manila. Minsan ninanais nga niya na maranasan pumunta roon, makarating man lang para makita niya ang mga bagay na kinukwento nito at ni Yaya Miranda. Sa mga kwento niya lang kasi nailalarawan ang buhay at mundo sa syudad. Malayong malayo sa buhay niya sa Rancho. Gusto niya maranasan ang simpleng pamumuhay na mayroon sa labas ng Rancho. Gusto niya yoon. Pero malabong mangyari dahil sa napakalayo nito mula sa Rancho kung sana ay paglabas lang ng Rancho iyon mabuti Sana. Yung Mall nga lang na madalas nilang puntahan ay napakalayo rito sa lugar na kinagisnan niya. May ilang oras na Biyahe rin bago sila makarating roon. Pagod palagi dahil sa mahabang byahe, papaano pa kaya kung sa Manila? Halos kalahating araw siguro bago makarating roon o humigit pa. Haist. Buntong hininga ni Eula. Malabo kasing mangyari except nalang kung sasama siya kay Apollo papunta roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD