Prologue

1054 Words
Sa isang madilim na silid. May isang lalaking nakasuot ng all black suit na nakaupo habang pinagmamasdan ang isang lalaki na nakagapos at puno ng sugat at pasa ang katawan. Tila takot na takot ito sa lalaking nakaupo na si Ryder Castello isa sa pinaka-makapangyarihan na mafia boss na narito sa Pilipinas. Kinatatakutan ng lahat nang makakakilala dito dahil wala itong awa na pumapatay ng mga taong nagta-traydor sa kaniya. "So, you decided to escape instead of paying your debts to me, huh?" Malamig na pagkakasabi ni Ryder nang ilapit nito ang kaniyang sarili sa lalaking may pagkakautang sa kaniya. "Patawarin mo ako, Sir! Pakiusap, mayroon akong pamilya na naghihintay sa akin. Huwag mo akong papatayin!" Humahagulhol na bigkas ng lalaki habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakagapos sa kaniya. Tila ba namanhid na ang katawan nito dahil kahit nasasaktan siya sa kaniyang ginagawa ay hindi pa rin ito tumitigil dahil sa kagustuhan nitong makawala. "You know my rules man, you pay what you owe," pagkasabi niyon ni Ryder ay sumandal ito sa kaniyang kinauupuan senyales na tapos na itong makipag-usap. Napatigil ang lalaki sa ginagawa at napatingin sa isang lalaki na lumapit sa kaniya na may hawak na fully loaded pistol at itinutok sa kaniyang ulo. Hindi pa man nakakapagsalita ang lalaki ay kinalabit na kaagad ng lalaking naka-suit ang gatilyo ng baril at sa isang iglap ay tumumba ang lalaking nakagapos habang naliligo sa sarili nitong dugo. Sanay na sanay na si Ryder sa mga ganoong pangyayari at maikli rin ang pasensya nito kung kaya kapag wala na itong nais pa na sabihin ay senyales na ito na kailangan ng patayin ng isa sa kaniyang mga tauhan ang kausap niya. "Next," utos ng mafia boss sa kaniyang tauhan na nasa pintuan. Sumenyas naman ang isang matangkad at payat na lalaki sa dalawa pa na tauhan sa labas na ipasok na ang mag-asawa. Nanginginig ang mag-asawa na itinulak papasok sa loob ng dalawang tauhan dahil hindi makagalaw ang mga ito dahil narinig nila ang pagputok ng baril. Mas lalo silang kinilabutan nang makita ang isang lalaki na nakabulagta at inihahanda ng dalawa pang tauhan para ilagay sa malaking itim na plastic. Kung bibilangin ang tauhan na naroon sa silid ay mahigit nasa sampu sila at mga naka black suit ang mga ito habang seryoso lang ang mga tingin. Hindi pa man nagsisimulang magsalita si Ryder ay lumuhod at yumuko na ang babae na halos mahalikan na nito ang sahig at saka nagsalita, "Sir, patawad ngunit wala pa rin ho kaming pera na maibabayad sa inyo. Bigyan niyo pa po ulit kami ng isa pang palugit. Last na palugit parang awa mo na sir, huwag mo kaming papatayin ng asawa ko," pagsusumamo nito habang garalgal ang boses na sa anumang oras ay bubuhos na ang mga luha nito sa takot at kaba na baka pati sila ng kaniyang asawa ay patayin din. "Alam niyo naman siguro na I don't f*****g give a third chance? I already gave you the second, but still you want me to give you another one? Wala ba kayong kayang gawin na puwede niyong ibigay sa akin?" Tila nabo-boring na sabi ng binata dahil sa totoo lang ay napapagod na siya sa mga oras na iyon. Araw-araw yata itong may pinapatay dahil sa pagkakautang sa kaniya. Magkaroon lamang ng utang na 100,000 pesos sa kaniya at hindi kaagad nabayaran sa loob ng isang taon ay tapos ang usapan pati na ang buhay nang humiram. Napaisip ang mag-asawa at saka sila nagkatinginan na dalawa. Para ba na iisa lang ang isip nila sa mga oras na iyon. Umiiling ang babae ngunit makikita sa mukha ng kaniyang asawa na ito lang ang tanging paraan para mailigtas nila ang kanilang mga sarili. Mahigit dalawang milyon kasi ang nautang ng mga ito ngunit dahil sa hindi sila marunong gumamit ng pera at nasilaw lamang sila ay kung saan-saan nila ito winaldas nang hindi nag-iisip. Wala nang nagawa pa ang babae nang makitang desidido na ang kaniyang asawa sa gagawin. "A-ang aming anak na babae. S-siya po ang kaya naming ibigay." Napalunok ang babae matapos sabihin iyon. Napatigil ang binata at pinagmasdan ang mag-asawa. Ito ang unang beses na may nag-alok sa kaniya na ipambayad ang anak sa utang. "Bakit gusto niyong ibigay ang anak niyo?" Kunot ang noo na tanong nito sa dalawa. "Dahil mahal namin siya!" Sa wakas ay nakapagsalita rin ang lalaking kanina pa hindi kumikibo. "O-oo, mahal namin ang aming anak at siya ang kaya naming ibigay sa inyo, Sir, pakiusap tanggapin mo ang alok namin," pagmamakaawang muli ng babae sa binata. "At ano naman ang gagawin ko sa kaniya?" Tanong pang muli ng binata dahil gusto niyang makasiguro kung nais nga ba talagang ibigay nang mag-asawa ang kanilang anak na babae. "Kahit ano, dahil sa oras na ibibigay namin siya sa inyo. Kayo na po ang bahala sa kaniya," wika ng lalaki na nakatingin ng diretso sa binata. Napangiti ng tipid ang binata dahil sa wakas ay naging interesado rin siya sa usapan. Sumenyas siya sa dalawang tauhan niya na bigyan ng upuan ang mag-asawa na kaagad namang sinunod ng mga ito. Nagkatinginan ang mag-asawa bago naupo sa komportbleng upuan. Para bang may mahika ang upuan na iyon dahil nawala ang kanilang kaba at takot na nararamdaman nila kanina. "I have business trips this month. So, when I go back I'll take what's mine, understand?" seryosong sabi ng binata sa dalawa. Mabilis namang tumango ang mag-asawa at pagkatapos n'on ay tinapos na ng binata ang kanilang usapan. Pinauwi niya na ang mga ito at saka bumalik sa kaniyang opisina sa loob lang din ng kaniyang mansion at saka kumuha ng isang malaking mamahaling alak sa kaniyang cabinet at nagsalin sa kaniyang wine glass at diretsong ininom iyon habang malalim ang kaniyang iniisip. "Boss, may I know what's on your mind?" tanong ng kaniyang kanang kamay na si Benjamin. Naka-upo ito sa malaking sofa sa kaniyang opisina habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "I need a woman who can give me a heir. If she can't do that then she will be one of my f*****g sluts," wika niya at hindi na nagsalita pa si Benjamin dahil hindi naman ito sigurado sa magiging resulta. Baka maging isa lang ito sa mga biktima ni Ryder na kapag hindi napakinabangan ay papatayin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD