“And where do you think you’re going?” pigil ang galit na sita ni Big Boss kay Beatrice. Mahigpit niyang hawak ang kanang braso nito. “G-gagamutin ko ang sundalo—” “Gusto mo bang patayin ko na lang ang sundalong ‘yan para matigil na ang pag-aalala mo sa kaniya?” naiirita niyang saad. Naniningkit na rin ang mga mata niya dahil sa iritasyong nararamdaman. Gusto niya tuloy isipin na ang sundalo na iyon ang boyfriend nito. Mas lalong nagtagis ang mga bagang niya. “Doktor ako—” “Damn it!” palatak niya na ikinatigil nito. “Nandiyan sina Ben at Alex, siguro naman kaya nilang gamutin ang sundalo’ng ‘yan!” “O-oo nga doktora, kami na ang bahala,” nauutal na wika ni Alex, halata sa mukha nito ang takot sa kaniya. Ngumisi siya saka sumeryoso. “Siguraduhin ninyo na hindi mamamatay ang sundalo

