Chapter 1
Pauwi na ako ng bahay ng mamataan kong naghihintay ang aking ama sa harapan ng aming tahanan at may hawak itong tila pamilyar sakin.
Anak sayo ba ang gitarang ito?
Tila ako na estatwa sa kinatatayuan ko at di makapagsalita ng matitigan ko ang hawak ng aking ama,ang gitara ko.Ang gitarang pinaka iingatan at pinaka tagotago ko paanong napasakamay ito ng aking ama ang huling naaalala ko ay itinago at itinabi ko ito sa itaas ng puno ng narra na siyang tambayan ko sa tuwing gusto kong mapag isa.Nakalimutan kong nasa harapan ko ang aking ama sa layo ng narating ng isip ko kaya nagulat pa ako ng magsalita ito.
Melody,tinatanong kita sayo ba ang gitarang ito?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at isagot sa kanya dahil alam kong hindi alam ng aking ama ang tungkol sa gitara at ang palihim kong pagpunta sa tuktok ng burol kung saan nakatindig ang malaking puno ng narra na siyang tinatambayan ko.Hindi ko rin alam ang dapat sabihin sa kanya dahil alam kong ipinagbilin sa kanya ang lugar na yun upang alagaan kasama na roon at pagprotekta sa lugar mula sa ibang tao na nais mangahas na magtungo sa lugar na iyon dahil ang lugar na iyon ay isang pribadong lupain na pagmamay ari ng yumaong negosyante.Alam niya ang tungkol sa lupaing iyon sapagkat nasabi ito sa kanya ng kanyang ina simula noong maliit pa siya at kabilin bilinan ng mga ito na huwag akong magtangkang magtungo sa lugar sapagkat ipinagbilin ng may ari ng lupain na huwag magpapapasok sa lugar na itininuturing nilang pribado lamang para sa kanilang pamilya.Napakagat labi na lamang ako at naiiyak na tumango sa aking ama.
Akin nga ang gitarang iyan itay,patawad po kung sinuway ko kayo ng inay, at palagi po akong nagtutungo doon upang mapag isa kasama ang gitarang iyan doon ko po itinatago ang gitarang iyan upang hindi ninyo malaman na marunong akong tumugtug ng gitara dahil nahihiya ako sa inyong ipakita na sa bawat salaping ibinibigay niyo ay sa gitarang iyan lamang napunta.Inilihim ko ito dahil sa takot na makagalitan ninyo patawad po itay, ang madamdamin kong sagot habang namamalisbis ang mga luha sa aking pisngi.
Narinig kong napabuga ng hininga si itay sa hangin at nagulat ako ng yakapin niya ako at hinagkan ang tuktok ng ulunan ko.
Bakit naman kami magagalit ng inay mo sa iyo eh napaka bait mong bata at ang salaping ibinibigay namin sa iyo ay pagmamay ari muna at ikaw ang may karapatan kung saan mo ito dapat gamitin ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan mong maglihim sa amin ng iyong inay tungkol sa gitarang ito kaya naman naming ibigay ang nais mo dahil nag iisa ka lang naman sa buhay namin isa pa marunong kang umawit kaya natural lang na magka interes ka sa mga instrumentong may kinalaman sa mga musika,nakakalungkot lang na naglihim ka sa amin ng iyong inay,ang pahayag ng aking ama.
Napaiyak na ako ng tuluyan habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni itay.
patawad itay! di ko lang po alam kung ano ang magiging reaksiyon niyo sa ginawa ko kaya napagdesisyunan kong ilihim nalang ito sa inyo ni inay,alam niyo naman po kung bakit ko itinatago ang tungkol sa bagay na ito takot lang po talaga ako sa mga maaaring mangyari kung may makaalam ng sikreto ko.
Siya sige na tumahan kana malapit na ang kaarawan mo kaya dapat paghandaan mo,Isa pa bakit mo ikinahihiya ang talentong meron ka dahil ba sa nangyari sa inyo ng pinsan mo noong elementarya kapa?abay matagal na iyon ah isa pa mas magaling ka naman talagang umawit sa kanya at maganda talaga ang boses mo sadya lang talagang may mga taong mapanlinlang at mandaraya.kaya anak wag kang mahiya bagkus dapat ay ipagmalaki mo kung anong meron ka na wala ang iba dahil mas magiging masaya kami ng inay mo kung masaya ka sa lahat ng ginagawa mo,ang nakangiting turan ni itay.Napangiti nalang ako sa sinabi ni itay.
Nakakatuwang isipin na kahit mahirap ang buhay para samin ay hindi kami pinababayaan ng Diyos bagkus ay palagi pa kaming pinagpapala,at isa sa ipinagpapasalamat ko ay ang nabiyayaan ako ng mga magulang na maunawain at mapagmahal.Sa kanila pa lang kontento na ako at wala ng hahanapin pang iba kaya naman sila ang inspirasyon ko sa mga awiting isinusulat ko na syempre ako lang at ang mga magulang ko ang nakakaalam.Inspirasyon ko rin sila upang matupad ang mga pangarap ko kung kayat ayoko ko silang biguin kaya naman nakapag desisyon na ako ayoko ng magtago kahit kailan haharapin ko ang lahat para sa kanila bakit pa nga ba ako matatakot kung alam ko namang nandiyan ang mga magulang at kaibigan ko para suportahan ako sa lahat ng mga gagawin ko if ever man na magkamali ako atleast alam kong sinubukan ko at alam kong nandiyan lang sila palagi para sakin.
Chapter 2
Nakahanda na ang lahat para sa gaganaping kasiyahan para sa ika labingwalong kaaarawan ni Melody naipamigay na rin ng kanyang mga magulang ang imbitasyon sa mga taong imbitado sa kanyang kaarawan pero si Melody ay hindi pa rin alam ang gagawin sa imbitasyong nasa kamay niya hindi niya kase alam kung kaninong lalaki niya ibibigay ang huling imbitasyon para sa kanyang makakapareha sa buong magdamag.Dahil walang maisip na tao na maaaring mapagbigyan ng imbitasyon naisipan ni Melody na magpunta sa lugar na ipinagbabawal ng kanyang ama na tunguhin niya ngunit dahil likas na makulit at gustong gusto niya ang lugar na iyon ay sinuway niya pa rin ang kanyang ama.
Dala ang gitara ay naupo si Melody ngunit dahil sa hawak na imbitasyon ay hindi pa rin nagawang maging komportable ni Melody,kaya naman naisipan niyang isiksik sa loob ng butas ng gitara ang imbitasyon at saka nag umpisang kumanta at patugtugin ang gitara.
Samantala habang patungo si Drake sa lugar na paborito nilang puntahan ng kanyang mga magulang ay nakarinig siya ng boses ng isang babae na tila kumakanta.Napangiti si Drake.
What a beautiful songs with a beautiful lady nandito ba siya palagi sa ganitong oras at araw para lang kumanta ng patago napakaganda ng boses niya pero dito niya lang ipinaparinig sa parang sa mga nagliliparang mga ibon at iba pang mga hayop tssk.Napapailing nalang si Drake ng may ngiti sa labi habang kausap ang sarili.
Habang unti unting lumalapit sa lugar kung saan naroon ang babaeng umaawit ay unti unti niya rin itong pinagmasdan naaaliw siya sa pag awit nito at namamangha sa ganda ng boses nito napakaganda ng boses nito sinabayan pa ng magandang awitin na siyang inaawit nito.Natapos na ang kanta kaya naman hindi niya napigilang pumalakpak habang unti unting lumalapit dito.Tila naman nagulat ang babae sa kanyang ginawa dahil tila nanigas ito at hindi makagalaw habang nakatulala tila may gusto itong sabihin base na rin sa pagbabago ng mukha nito at unti unting pagbuka ng labi nito pero pinigilan ito ni Drake sa gusto nitong sabihin.Itinaas niya ang kanang kamay at sumenyas dito na wag magsalita.
So ikaw pala si Melody!!
Huh!?paano niyo pong nalaman ang pangalan ko?
Nakaukit diyan sa gitara mo,nakita ko kasi yan nung huling punta ko dito,nakangiting sagot ko habang nakatitig dito.
Habang pinagmamasdan ito ay hindi ko maiwasang mapangiti napaka ganda na ng boses nito ngunit mas maganda pala ito.Tinitigan at sinuri ko ito mula ulo hanggang paa.Matangkad nasa 5'5 ang height makapal at maganda ang korte ng kilay malamlam na mga mata mala tsokolate ang kulay at matangos na ilong at manipis na labi na mamula mula na tila natural para rito at ang kulay ng balat na morena ay bumagay rito napaka gandang hubog ng katawan na kahit na sino ay gugustuhing pantasyahin at ang tila nagmamayabang nitong dibdib na tila siyang nagpagising sakin kaya naman napatingin ako sa mukha niya at napansin kong tila nagkulay rosas ang mga tenga at pisngi niya, tila naiilang ito sa ginagawa kong pag titig sa kabuuan niya kaya naman napabuga ako sa hangin at napalunok dahil tila naaapektuhan ako sa pagtitig sa kanya.
So,palagi ka bang nagtutungo dito?
Ahm,pasensiya kana sir,hindi ko po alam na nandito po kayo at naistorbo ko kayo kaya lang po kasi napakaganda po kase ng lugar na ito kaya hindi ko po mapigilang magtungo dito isa pa po sa dahilan ay dahil mas nakakapag isip po ako ng maayos kapag nagtutungo po ako dito dahil na rin siguro sa tahimik na kapaligiran pero paalis na rin po ako kaya pasensiya na.
Nakita kong nanginginig siya at medyo nangangatog kaya naman napangiti ako.
Di mo naman kailangang umalis agad,ako ang anak ng may ari ng lugar na ito at masasabi kong tama ka naman nakakapag pagaan nga ng loob ang lugar na ito.nakangiti kong sabi.
Tila nagulat ata ito sa sinabi ko dahil natigilan ito at napatitig sakin.
So ikaw ang anak ng business man na namatay sa aksidente noon?
Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman naisipan ko siyang tanungin.
Kilala mo ang mga magulang ko?tanong ko pero tila aligaga ito at nagaalinlangan kung sasagutin ako pero sa huli ay nagsalita ito.
Ahm,oo nabalitaan ko ang nangyari sa kanila mula sa aking itay,anak ako ni Mang Sonny ang katiwala ng ama mo sa lupaing ito kaya ko nalaman ang lugar na ito.
Kung ganun may anak pa lang babae si Mang Sonny
Ganun ba!alam ba ni mang sonny na nagtutungo ka dito?.tanong ko sa kanya.
Hinubad nito ang pares ng tsinelas nito at saka ito inupuan bago sinagot ang tanong ko.
Ang totoo niyan pinagsabihan na ako ng itay tungkol sa bagay na iyan,kaya lang hindi ko matiis na hindi magtungo dito sa tuwing may malalim akong iniisip.Sadya talagang matigas ang ulo ko sa totoo lang matagal na akong nagtutungo dito maliit pa lang ako pumupuslit talaga ako para lang magtungo dito at hindi iyon alam ng itay at inay ko dahil takot akong mapagalitan kaya lang nitong nakaraan di ako mapakali at kating kati na talaga akong pumunta dito dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko gusto ko lang naman mapanatag ang loob ko at makapag isip kaya sa pagkanta at pagtugtug ng gitara ko idinadaan ang lahat.Yun nga lang nahuli mo ako.,
Naaaliw akong nakinig dito
Pwede bang wag mo na akong isumbong kay itay?pwede rin ba akong magpaalam sayo na kung pwede sana maki share dito sa tambayan niyo gustong gusto ko kasi ang lugar na ito.
Natawa ako sa sinabi niya at napapailing na rin dahil tila ngayon lang ako nagka interes sa babae dahil tila may kung ano sa babaeng ito na wala sa iba na nakakasama at nakakasalamuha ko tila nakapa inosente at charming nito dagdag pa sa napakanda nito ay parang gustong gusto ko rin na marinig palagi ang malamyos na tinig nito.
Pwede bang magtanong?bakit ayaw mong isumbong kita sa itay mo?saka bakit dito ka kumakanta sa parang eh puro mga hayop lang ang pwedeng makarinig sayo dito,sa siyudad madami ang mga taong pwede mong pag alayan ng boses mo,ng galing mo sa pag awit may pumipigil ba sayo?nag uumpisa na akong magkaroon ng interes sa babaeng ito kahit na alam kong estranghero pa rin kami sa isat isa.
Pwede bang yung unang tanong mo nalang ang sagutin ko?Di pa kase ako handang sabihin sayo eh.
Sige!!
Ahm,kase ayaw kong ma disapointed siya sakin dahil sinuway ko na naman ang utos niya.kaya ayoko sanang malaman niya na nagtungo ulit ako dito.Kung ayos lang sana sayo na wag nang ipaalam sa kanya ang tungkol dito.
Napatitig ako sa magandang mukha nito at sa tila nakikiusap nitong mga mata.Mukha namang sincere ito at ayaw nitong masaktan ang damdamin ng ama nito kaya naman nakangiting tumango ako dito bilang pagpayag sa nais nito.Pero nagulat ako ng kunin nito ang papel na nasa loob ng butas ng gitara nito at iabot nito iyon sa akin.
Ano ito?tanong ko sa kanya habang nakatitig sa papel na iniabot niya sakin.
Imbitasyon para sa kaarawan ko.Bilang kabayaran sa pagpayag mong huwag ipaalam sa aking itay ang tungkol sa pagsuway ko sa kanya. Isa pa yan talaga ang dahilan ng pagpunta ko dito wala kasi akong maisip na pwedeng pagbigyan niyan dahil wala naman dito sa Pilipinas ang kababata kong si CK kaya naman ikaw nalang ang pumalit sa kanya pansamantala.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at binuksan ang sobre atsaka ko binasa ang nilalaman.Napa ngiti pa ako ng mabasang ako ang escort niya sa buong gabi para sa ika labingwalong kaarawan niya.Hindi na bago sakin ang tungkol sa.18th birthday ng mga babae dahil marami sa.mga anak ng kaibigan ng mga magulang ko ang naging kapareha ko rin sa mga ganung pagtitipon pero tila may kung anong tila kakaibang bagay sakin na hindi ko maipaliwanag.
Salamat pero di mo naman kailangang gawin to para makabawi sakin isa pa its.my pleasure to finally met you Mellody.nakangiti kong sagot.
Chapter 3
Busy ang lahat pagsapit ng kaarawan ni Melody.Mula umaga pagkagising ay agad na sinabihan siya ng kanyang inay at itay na magtutungo muna sila sa simbahan upang makapagpasalamat sa Diyos.Dahil na rin sa nataon na araw ng linggo ang kanyang kaarawan ay natuwa ng sobra ang kanyang inay at itay dahil makakadalo ang lahat ng bisita na inimbitahan ng mga ito.
Pagkagaling sa simbahan ay umuwi din sila agad pagkatapos ng misa.at tumulong sa paghahanda sa kanyang kaarawan ngunit siya ay pinagpahinga ng kanyang itay at inay sa loob ng kanyang kwarto at hindi pinayagang kumilos upang tumulong sa mga ito
Katuwiran ng mga ito ay dahil sa kaarawan niya at dapat niya itong paghadaan.Maya maya pa ay dumating na ang mga taong mag aayos ng lugar kung saan gaganapin ang selebrasyon ng kanyang kaarawan,maya maya pa ay dumating na rin ang mga mag aayos sa kanya upang ayusan siya.
Nasa isip niya pa rin ang nangyaring engkwentro sa kanila ng anak ng namayapang mag asawa.Ngayon niya lang mapagtanto ang pagkakamali niya malalaman ng kanyang ama ang pagsuway niya dito tungkol sa pagtungo sa lugar ng mga namayapang magulang ni Drake,at dahil rin sa kapalpalkan niya.
Habang inaayos ng mga mag aayos sa ka niya ang lahat ng gamit na gagamitin sa pag aayos sa kanya ay inabala muna ni Melody ang sarili sa pagbabasa.Suot ang makaapal na Reading Glass ay minabuti muna niyang magbasa upang hindi mainip sa nakakabagot na oras na pag aantay para sa gaganaping kaarawan niya pagsapit ng gabi.
Ngunit wala sa konsentrasyon ang utak at katawan niya dahil bigla na namang inukopa ng isang estranghero ang kanyang pag iisip .Sa pag iisip kung magtutungo ito roon sa kanyang kaarawan wala sa loob na napabuntong hininga siya.Marahil ay napansin ng nag aayos na bakla ang malalim na buntong hininga niya kaya nagtanong ito at nag usisa.
May problema kaba ineng?tanong nito.
Huh!ah pasensya na pwede bang magtanong?di niya ito sinagot bagkus ay nagtanong dito.
Ayy oo naman ano ka bang bata ka syempre naman ano ba ang itatanong mo mukha kasing may bumabagabag sayo simula pa kanina napapansin ko ng tila malalim ang iniisip mo at panay ang paghugot mo ng malalim na paghinga ano bang bumabagabag sayo?sagot nito.