Chapter 28

2763 Words

Matapos naming kunin ang mga gamit namin kila Diana ay dumiretso na kami ng uwi sa bahay. Hindi kami nag-uusap habang nagba-byahe hanggang sa makarating kami sa amin. Nauna akong bumaba sa kanya bitbit ang bag ko. Nadatnan ko si Dominic sa sala na naka-upo sa harapan ng piano katabi ng instructor niya. Nakatayo naman si Mommy sa may gilid habang pinapanood siya. Mayroong juice sa center table at mga cookies. Kaming lahat ay nagkaroon ng piano lesson. Gusto kasi ni Mommy na matuto kaming gumamit ng instrumento. Marunong din kasi siyang mag-play ng piano at magaling siya. Marunong din si Qino pero mas tinuon niya ang pansin niya sa car race. At ako naman ay kapag bored lang doon ako lumalapit sa piano. Hindi ko alam kung matatagalan ni Dominic ang ganito ngayon dahil mainipin siyang tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD