CHAPTER 11: THE REASON WHY

1200 Words
CHANDRA RICAFORT Tahimik lang na nakasunod sina Kiara sa akin habang naglalakad kami palabas ng gubat. It’s the first time they saw how I killed rouges. At pagkatapos masunog ng mga katawan ng apat na lalaking bampira ay saka lang kami nagdesisyong umalis sa gubat. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay naramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod. Kaya huminto ako at kumapit sa puno na malapit lang sa akin. Agad naman akong dinaluhan ni Kiara. “Okay ka lang ba? Anong masakit sa’yo?” Mabilis akong umiling. “Wala ito, pagod lang. Ito ang unang beses na pumaslang ako ng apat na rouges nang magkakasunod. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas sa nangyari ngayong gabi.” Lumungkot ang hitsura ni Kiara. “Dahil sa akin,” aniya. Bumakas ang sa kaniyang mukha ang pagkadismaya niya sa kaniyang sarili. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kiara might be a spoiled brat but she has a soft heart. Sa aming tatlo nina Eren, siya ang pinakamabait, madaling lapitan, at madaling hingian ng pabor. Mukha lang talaga siyang masungit at masama ang ugali, but she’s not. Umayos ako sa pagkakatayo at marahang tinapik ko siya sa balikat. “No. Hindi dahil sa’yo. Pagod lang talaga ako. Naubos ang lakas ko dahil sa mga iyon,” saad ko na ang tinutukoy ay mga rouges. “Kung hindi kita pinapunta rito sa Rivia—” “Nangyari na, Kiara,” putol ko sa kaniyang sasabihin. Hinawakan ko siya sa braso sandali at marahang pinisil iyon. “Ayos lang ako. Kailangan ko lang magpahinga.” Lumapit si Alviro sa akin. Kitang-kita ko rin sa mga mata nito ang pag-aalala. “Gusto mo bang alalayan kita kahit hanggang makalabas lang tayo ng gubat?” Ngumiti ako kay Alviro at saka umiling. “Hindi na. Kaya ko na.” Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot ng sugat sa palad ko. Yumuko ako sandali at pumikit nang mariin. Ang tanging nasa isip ko lamang ay gusto ko nang makauwi. Gusto ko nang humiga sa aking sariling kama. Kaya pagmulat ko ng aking mga mata at kusang bumilis ang aking pagkilos. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili sa gitna ng makipot na kalsada. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang pamilyar na sasakyan at ang isang tao na nakasandal sa gilid ng pintuan nito. Agad na bumaling sa akin si Eren nang maramdaman niya ang presensiya ko. Nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita niya ang pagod kong hitsura kaya agad siyang tumakbo patungo sa akin. “Chandra…” Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa sasakyan. “Ang babae… nasaan ang babae na tinulungan natin?” Eren sighed. “She’s fine and safe. Si Leo ang nag-asikaso sa kaniya. At inalis na rin ni Leo ang alaala na mayroon ang babaeng iyon sa gubat na ito.” Marahan akong tumango. “That’s good.” Iikot na sana ako patungo sa passenger seat nang hawakan ni Eren ang dalawang palapulsuhan ko at pinagmasdan ang sugat sa gitna ng aking mga palad. “You’ve lost too much blood.” Mabilis kong binawi ang kamay ko. “No, not that much.” Ipinagpatuloy ko ang pag-ikot sa kabilang parte ng sasakyan at agad na sumakay roon. Sumunod din naman si Eren sa loob. “Aren’t we going to wait Kiara and her people?” Umiling ako. “Masyado akong pagod, Eren. Gusto ko nang magpahinga.” Matagal siyang tumitig sa steering wheel ng sasakyan bago tumango. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Eren. Does he want to see Kiara that’s why he waited for a moment? I don’t know. Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko nang umuwi. “Can we just go home?” I pleaded. It’s the first time I did that. Pleading. Kaya nakita ko rin ang pagkunot ng noo ni Eren nang marinig ang sinabi ko. Marahan niyang inalis ang kaniyang seatbelt para maabot ang switch ng upuan. Pagkatapos niya iyong pindutin ay marahang bumaba ang ang level ng upuan. Nagmukha akong nakahiga roon pero nananatiling nakataas ang aking likuran. Sapat lang iyon para maging kumportable ako sa inuupuan ko. Sa buong biyahe ay hindi nagsalita si Eren. But I noticed him looking at me from time to time. Kanina ko pa iniiwasan ang kaniyang mga tingin pero nagsimula na akong mapakali dahil hindi ako sanay sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at bumaling sa kaniya. “Alam kong mayroon kang gustong itanong sa akin. Tell me.” Tumikhim siya sandali. “Bakit mo pinakawalan ang lider ng mga rouges?” I knew that he would know about it. Of course, he’ll know that. He can read my mind. Hindi ako sumagot agad. Inilipat ko ang aking paningin sa labas ng bintana ng sasakyan kung saan kahit gabi ay tanaw na tanaw ko ang paligid. “Alam mo namang delikado para sa’yo ang mga rouges pero bakit binuhay mo pa ang isang iyon?” Kinagat ko ang aking ibabang labi “I had to do it. Ramdam kong kailangan kong gawin iyon.” “Give me a specific reason why you did that.” Umiling ako. “There’s no reason.” Inihinto niya nang mabilis ang sasakyan sa gilid ng daan at binuksan ang pinto para lumabas siya. Iibinalibag pa niya ang pinto pasara. Pinagmasdan ko siya kung saan pumunta gamit ang salamin ng sasakyan. I thought he’ll leave me there but no. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid na bahagi ng daan at nakamasid sa kawalan. I waited for him for minutes, pero hindi pa rin siya bumabalik sa loob. And then I started to feel cold. Normal naman sa amin ang malamigan. Even our blood is cold. We are cold-blooded being. Kaya bago sa akin ang nararamdaman kong ito. Gayunpaman, nagawa ko pa ring bumangon mula sa pagkakahiga para lumabas ng sasakyan. Naglakad ako hanggang makarating sa kinaroroonan ni Eren. Pareho kaming nakatingin lang sa kawalan. Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin pa. Kaya naman nagulat ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at marahan niya akong iniharap sa kaniya. “Sorry. Sorry kung iniwan kita sa loob ng gubat.” Matagal akong napatitig sa kaniya. “Iyon ba ang dahilan kung bakit ang tahimik mo?” Tumawa ako nang mahina. “Hindi mo naman ako iniwan. Inutusan kitang iligtas ang babae. You’re the reason why she’s alive. You’re the reason why I am always complacent in every situation that I am into. Huwag mong sabihing sinisisi mo ang sarili mo kung bakit nangyari ito sa akin?” Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi at marahang tumango. Muli, hindi ko napigilan ang aking sarili na matawa. “Parehong-pareho kayo ni Kiara. You’re always blaming yourselves.” I sighed and reached for his arm. “Wala kayong kasalanan.” Marahan siyang tumango. When everything is settled, bumalik na rin kami sa loob ng sasakyan. Pero bago pa man niya pinaandar ito ay muli siyang bumaling sa akin. “So, bakit mo nga pinakawalan ang lider ng mga rouges.” Nginisihan ko si Eren. “Tracker. I was able to put a tracker on him. And you know what that means.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD