CHAPTER 37: THE TRAINING AND THE BONFIRE

1325 Words
ANDREI CASTRIEL  Naging mabilis ang paglipas ng mga araw at buwan. Aaminin ko, masaya ako dahil magkasama kami ni Chandra sa iisang lugar. Masaya ako dahil nabibigyan namin ng oras ang isa’t isa. Nag-eenjoy kami sa bawat umagan gigising kami na mukha ng isa’t isa ang aming nakikita. Pero hanggang kailan kami magiging ganito? Hanggang kailan kami magtatago? Marami akong tanong sa aking isipan na hindi mabigyan ng kasagutan. Kagaya ng, kumusta na kaya ang kapatid ko? Nakauwi ba siya ng lisgtas sa Ezra? Ang mga magulang ko, hinahanap kaya nila ako? Namimiss kaya nila ako? Mayroong mga pagkakataong gusto kong tanungin si Chandra kung ayos lang ba siya. May mga pagkakataong gusto kong pag-usapan namin dalawa ang tungkol sa mga susunod pang buwan. “Tahimik ka,” puna niya sa akin. Kauupo niya lang sa tabi ko. May hawak siyang isang basong babasagin na may lamang kape. “Napapaisip lang ako,” sambit ko. “Tungkol saan?” “Tungkol sa atin.” Humarap ako sa kaniya. “Hanggang kailan tayo rito, Chandra?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya. Mataman siyang tumingin sa akin. Iyong tipo ng tingin na parang pinag-aaralan niya nang maigi ang eskpresyon ng aking mga mata at ng aking kabuuang mukha. “Akala ko ay hindi ka na magtatanong.” She looked away. Inilapit niya ang labi ng mug sa kaniyang bibig at sumimsim ng kape roon. “Pinag-iisipan ko iyong sinabi nina Eren at Kiara noong bumisita sila rito noong nakaraang linggo,” aniya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ang sinabi niya. Noong nakaraang linggo ay bumisita sina Kiara at Eren. Nagdala sila ng sapat na pagkain para sa amin, mga libro, at kung anu-ano pang magagamit namin ni Chandra kapag wala na kaming ibang magawa rito sa gubat. Sa mismong pagkakataong iyon ay kinausap din kami ni Kiara. Sinabi nito na patuloy pa rin sa paghahanap sa amin ang mga guwardiya ng konseho at sigurado sila na hindi na magtatagal ay matatagpuan din kami ng mga ito. Nagbigay si Eren ng mga paraan na puwede naming gawin para itigil na ng konseho ang paghahanap sa amin. Kailangan lang naming patunayan sa kanila na hindi ako magiging sagabal sa kanilang mga gawain at hindi ako magiging banta sa kanilang lahi. Ang unang suhestiyon ni Eren ay kailangang ipaalam ni Chandra na magiging kasama niya ako sa paglupig sa mga rouges. Kailangan kong ipakita na magiging malaki ang tulong ko sa kanilang nag-iisang reaper nang sa gayon ay bigyan nila ako ng tyansa na patunayan ang sarili ko. Ang pangalawang suhestiyon ni Eren ay ang pinakaayaw na mangyari ni Chandra. Ang gawin akong bampira. Nagalit pa nga siya kay Eren nang sabihin nito iyon. “Tama si Eren. Magiging malaking tulong ka sa akin sa pag-ubos ng lahi ng mga rouges. The smell of your blood could be our bait to attract them.” Mabilis akong tumango sa kaniya. Matagal ko na itong hinihintay na marinig sa kaniya. “But you have to train. Hindi ka puwedeng humarap sa mga rouges nang hindi ka marunong lumaban.” Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. “That’s why you’re here, right? You will help me train.” She bit her lower lip. She gave me a hesitant look. “Do you think I could help you?” “Definitely.” Hindi madali ang naging simula ng aming ensayo. Mas lalo kong nakilala at nakita ang tunay na kakayahan ni Chandra sa paglipas ng bawat araw. Paunti-unti kong napagtatanto na masyado siyang maingat sa kaniyang bawat galaw kapag ako ang kasama niya sa mga nakalipas na buwan. Hindi ko agad nakita ang ganitong side ng kaniyang pagkatao. She’s strong and fast. Sigurado ako na kayang-kaya niyang labanan kahit ilan pang bampira pa ang humarap sa kaniya. “She’s amazing, right?” saad ni Eren sa akin habang kasalukuyan naming pinanunuod ang sample combat nina Kiara at Chandra. “Sino? Si Kiara ba?” Kanina pa kasi siya nakatingin sa bawat galaw ni Kiara. Bumaling sa akin si Eren at pinaningkitan ako ng mata. “I’m talking about Chandra.” Nginisihan ko siya. Si Chandra pala ang kaniyang tinutukoy pero ang kaniyang tingin ay hindi maalis kay Kiara. “I can read your thoughts, just so you know dude,” aniya saka inis na tinulak ako sa balikat. Medyo napalakas iyon kaya tumilapon ako sa lupa. “Hey, Eren. Take it easy!” sigaw ni Chandra nang makita niya ang nangyari. Huminto sila sa kanilang ginagawa at mabilis na lumapit sa amin. Si Eren naman ay halatang nagulat sa kaniyang ginawa. Natawa naman ako. Alam ko naman kasing hindi niya sinasadya. “Eren, anong nangyari?” kunot-noong tanong ni Kiara. “Nothing happened,” tipid na sambit ni Eren. Ngumiwi si Kiara. “Puwede ba naman iyon? Eh kitang-kita ko na halos lumipad itong si Andrei noong tinulak mo.” Eren scoffed. “Ang OA mo naman. Ang lapit nga lang ng pinagbagsakan niya oh.” Lumapit sa akin si Chandra at inilahad ang kaniyang kamay. Umiling naman ako. Kaya ko naman kasing tumayo. Tinulungan niya nalang akong pagpagin ang likuran ng aking damit na dinikitan ng lupa. “I think it’s a wrap for today. Malayo pa ang uuwian nitong si Eren at Kiara.” “Hindi kami uuwi ngayon. We’ll stay here for a week. Hindi ko ba nabanggit sa inyo kanina?” kaswal na saad ni Kiara habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit. “So that explains the large bag on inside the car trunk.” Kiara nodded to Chandra. “Paano kapag hinanap kayo?” Kiara smirked. “Sigurado akong hindi kami hahanapin. Isa pa, nagpaalam kami nitong si Eren na magbabakasyon kami. More like, honeymoon vacation.” Napaubo naman si Eren sa sinabi ni Kiara. Ako naman ay hindi naitago ang ngisi. Habang si Chandra ay naguguluhan sa sinabi ni Kiara. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin. Mayamaya ay pumalakpak si Kiara. “Just kidding.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Chandra. “Akala ko naman talagang pinatulan mo na ang loka-lokang ito.” Nailing na sambit niya kay Eren. Hindi naman ito sumagot. Ibinaling nalang nito ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay. Tumaas ang kilay ni Kiara. “Oh, bakit? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? Darating ang araw na mai-inlove sa akin ang lalaking ito,” lakas-loob nitong sambit. Balewala kay Kiara kung marinig ni Eren ang sinasabi niya. Nilingon siya ni Eren at inirapan. “Asa,” saad nito saka tumalikod na at naunang naglakad patungo sa cabin. Natatawang lumapit si Chandra kay Kiara. “Ikaw ba talaga, seryoso na iyang ginagawa mo o pinagti-tripan mo pa rin hanggang ngayon si Eren. Naku, sinasabi ko sa’yo, ako na ang kakaltok sa’yo kapag hindi mo pa tinigilan iyan.” Kiara pouted. “Seryoso na ako, Chands! Pero akala yata ni Eren palagi akong nagbibiro. May trust issue yata.” Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang pinag-uusapan nila si Eren. Ako naman ay nakatingin lang kay Eren na nasa malayo na. He’s falling for her. Ayaw niya lang aminin. It’s amazing to see that even vampires has a love life problem. Hindi lang pala ang mga tao. “Anong iniisip mo?” tanong ni Chandra habang kasalukuyan kaming nag-aasikaso ng hapunan. Naisipan kasi ni Kiara na gumawa ng bonfire sa labas. Hindi naman ako makatanggi. Sa aming apat, ako lang naman ang nakakaramdam ng lamig kaya ako ang pinakalugi. “I think Eren likes her.” Chandra smiled. “I think so too.” “You do?” She laughed. “Bakit, anong tingin mo sa akin, walang pakiramdam?” Sabay kaming napalingon sa labas nang marinig ang sagutan ng dalawa. Para silang mga bata. Pati mga simpleng bagay at pinagtatalunan pa nila. Nakakatuwa dahil kahit papaano, nalilimutan namin ang mas malalaking problema na aming kinahaharap. Ngayong gabi, wala kaming iisipin kundi ang masasayang bagay lamang..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD