Chapter One

1248 Words
Nakatutok ang atensyon ni Cyril sa binabasang libro nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto ng kuwarto niya. He knitted his brows together and put down his book, what he dislikes the most is that when someone interrupts him when he's reading. Nasisira ang mood niya 'pag napuputol ang konsentrasyon niya sa binabasa. Simula't sapul ay libro na ang naging kaibigan niya dahil tahimik at hindi magulo ang mundo niya, at kahit anong klaseng libro ay binabasa niya. Bata pa lamang siya ay ayaw na niya ang nakakarinig ng ingay dahil sumasakit ang ulo niya at naiirita siya. He also don't like crowded places so he chose to stay in a secluded spot to read a book. Kaya naman lumaki siyang malayo sa mga tao, even to his family he rarely laugh and talks to them. Ang nag-iisang kapatid niya na babae ay nararamdaman din niya na minsan ay umiiwas sa kanya na parang ayaw siyang makasalubong. Everyone says they found him cold, distant and unfriendly but he doesn't care, masaya siya sa nakasanayan na niya. Nang maulit ang katok ay marahas na nagpakawala siya ng hininga bago tumayo at naglakad para buksan ang pinto. Ang nakababatang kapatid niya na si Jane ang napagbuksan niya. Nakataas pa ang kamay nito na nasa aktong kakatok muli, mukhang nagulat pa ito dahil bahagya itong napaatras at napatitig sa kanya. He saw the hesitation on her face as he looked at him, ibinaba rin niya ang kamay at pilit na ngumiti. “K-Kuya,” she called in a strained voice. “What do you want?” he asked coldly. Jane's lips just twitches before she bites it. He narrowed his eyes and was about to close the door but she stopped him. “K-Kuya, m-may gusto sana akong hingin na favor sa'yo,” nakikiusap ang tonong wika niya. Humalukipkip siya at pailalim na tinignan si Jane. She looked even more skeptical because of the way he looked at her. He also saw fear in her eyes but immediately disappeared. “What is it? Just make sure that's important because you're bothering me.” Hindi siya interesadong marinig ang sasabihin niya pero nagtanong pa rin siya. She swallowed hard before opening her lips to talk, “a-ano kasi, Kuya, may in-organize akong party at gusto ko na mag-cosplay ka ng isang anime character—” “Sinong anime character?” he interrupted what she was saying. “Si Yuri from the Red Hood,” she responded. “She's one of my friend's favorite anime character.” “A girl? No!” mas matigas pa sa batong tutol niya. Disappointment flashed across her face and then she pouted. “Please! Ngayon lang naman ako humingi ng favor sa'yo, Kuya, tapos ngayon mo lang naman gagawin 'to, just this once.” “No! Find someone who's willing to do it. Now, go back to your room because you're disturbing me,” masungit na turan niya at pinagsarhan siya ng pinto. Hindi niya pinansin ang muling pagkatok at pagtawag niya sa kanya. Maya-maya ay narinig na niya ang papalayong yabag ng kapatid. What party? What cosplay? Tapos babae pa ang gagayahin niya? No way in hell that he would wear a woman's clothing. Ever since, he isolated himself to everyone and then he'll be suddenly cosplaying as a woman in a party? It was as if he had already done something contrary to what he was used to. Isa pa, baka rito pa magsisimulang magulo ang mundo niya. At ayaw niya ang mangyari 'yun, especially when the people around him recognize him, what would they think about him? That he didn’t want to socialize with them because he is a crossdresser? Binalikan niya ang binabasa at muling itinutok ang atensyon doon, nakalimutan agad niya ang tungkol sa sinabi ng kanyang kapatid. The book he's currently reading is the high-fantasy novel 'The Adventurer' written by one of his favorite author. He feels like he is able to travel inside the book while reading it. Every part of this story is very well written. And if someone will ask him to narrate the novel, he can do it in just an hour. Isinara lamang niya ang binabasa nang marinig ang pagtunog ng alarm clock tanda na oras na ng kanyang pagtulog. Isa rin ito sa nakasanayan na niya, ginagawa niya ito upang hindi niya makalimutan ang oras. Everything he does is well organized, katulad na lang sa oras ng pagbabasa, pamamahinga, pag-eehersisyo at sa studies niya, at kahit minsan ay hindi pa nagulo ang ganitong routine niya. Pagkatapos ayusin ang libro ay nahiga na siya sa kama para matulog, may klase siya bukas ng maaga at ayaw niya ang nagkukumahog sa oras kapag na-late siya ng gising. KINABUKASAN, nang dumulog siya sa mesa para mag-agahan ay si Jane lang ang naabutan niya na agad nagyuko ng ulo pagkakita sa kanya, pumasok na siguro ang magulang nila sa trabaho kaya wala sila. Hindi niya siya pinansin at naglagay ng pagkain sa plato niya. He just ate quietly, a few minutes later he felt her occasional glances to him. It looks like she still won’t give up on begging him to cosplay at the party she's organizing. When he felt her eyes on him for a couple of minutes, his face darkened and turned to look at her in displeasure. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at uminom ng tubig. Binitawan niya ang kubyertos at kumuha ng napkin para punasan ang bibig, nawalan na siya ng ganang ipagpatuloy pa ang pagkain. Pagkatapos ay tumayo siya at naglakad palabas ng komedor. “Kuya!” tawag agad niya at nagmamadaling sumunod sa kanya. “Kuya! Please! Hear me out!” He ignored her call and continued on his way out of their house, even when he reach the garage and stopped next to his car she still followed him there. This is the first time she pestered him, he's used of her avoiding him when she see him even in their own house, kaya naman hindi niya alam kung paano i-handle ang pangungulit niya sa kanya. “Kuya, pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang!” she pleaded. “Walang mawawala naman sa'yo kapag ginawa mo ‘to.” “I said, no!” pinal na saad niya at sumakay sa kotse niya. Agad na pinaandar niya ang sasakyan at nagmaneho palabas ng kanilang bahay. Nakita pa niya sa side mirror ang kapatid na nalaglag ang balikat na nakatingin sa paalis na kotse niya. Nagbawi siya ng mata at binagtas na ang kalsadang papunta sa University. Kahit pa lumuhod siya sa harapan niya ay hinding-hindi siya papayag sa gusto niya. Nang makarating siya sa University at maiparada ang kanyang kotse ay isinukbit niya ang bag sa balikat at bumaba ng sasakyan bago ni-lock. He immediately furrowed his brows when he hears a screams, he kneaded his temple and glance where the noise is coming from. Ang aga-aga ay para silang nakainom ng energy drink at masyado silang hyper. Hindi kaya mababasag ang eardrums nila sa mga sigaw nila? Kung sa pag-aaral nila sila ganyan ka-hyper ay malamang walang bumabagsak sa kanilang grades at hindi na nila kailangan pang mag-back subject. Nagmamadali na siyang naglakad palayo para pumunta sa klase niya dahil mas lalong lumakas pa ang tilian nang bumaba ang kung sino man na sakay ng kotseng pinagkakaguluhan nila. Baka kung mananatili pa siya roon ay susumpungin siya ng migraine niya sa mga ingay na maririnig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD