Jairah
Katulad ng napag kasunduan namin ng mga kaibigan namin ni Dale, dito kami nag overnight sa isa pang resort namin. Kasi maraming nag palipas ng gabi dun sa isla. Hindi namin ma enjoy ang bonding namin kapag ka doon pa kami maki siksikan. Dito may mga guest din pero hindi masyadong crowded. Ang dami naman kasing bisita sila ate. Parang wedding of the year. Nandito kami ni dale sa kuartong ino occupy namin ng nag ring ang cellphone nya.
"Yes bro!" Madiin na sagot nya.
"Okay well be there, just tell them to prepare our table, alright thank you bro!"
"Sino yun dale? Malambing na tanong ko sa kanya habang naka upo ako sa couch at nag che check ng emails ko."
"Si Louie baby, nandoon na daw sila sa baba sa may beach side. Sila pa lang dalawa ni Trixie kasi pinapatulog pa daw nila ni Nicole ang anak nila bago iiwanan sa yaya para hindi umiyak..
"Ah okay." Dale pwede mo bang e check to ang pinadala ni Hazel na online proposal?" Kung agree ka agree na din ako."
"Later baby," hinawakan nya ang pulsuhan ko at pinatayo ako.
Minsan naiisip ko na ang sweet naman ng magiging asawa ko. Nagulat man ako sa desisyong biglaan na ikakasal kami kahit di naman kami mag jowa. Isang linggo pa lang kami magkasama mula nung makabalik kami dito. Pero nung tinanong ko ang parents ko about sa reason kung bakit nila ako ipapakasal kay dale ng biglaan. Nakita daw nila ang sayang hinahanap nila sa akin.
Jai just say no if you dont want to be a wife of Dale. Malambing na saad ni Daddy. But daddy hindi kami magkasintahan. Magtataka ang mga kilala namin. No anak para kayong matagal ng mag jowa. The way kayo mag act if mag kasama kayo talo nyo pa ang 10 years ng mag ka relasyon. Saad naman ni Mommy. You dont trust us anak?
"Mom I trust you, sobra ang trust ko sa inyo mom and dad." Tingin ko sa mga mata nila.
"Nag tanong lang ako kasi nagulat lang din ako."
"Anak if ever hindi mo mahal sa dale, later on sa pag sasama ninyo bilang mag asawa mahuhulog din kayo sa isa't isa." Dagdag pa ni Mommy.
"Anak kami man nagulat nung araw na kumuha ng gamit mo si dale, sabi nya may nangyari sa inyo kaya hiningi nya sa amin ang kamay mo" "Hindi kita ipapahamak anak kung hindi rin nangako at umamin si dale sa nararamdaman nya sayo. Sabi nya hindi ka nya sasaktan at ilalagay sa kapahamakan. And we trust him anak. I know him very well because of his parents". Mahabang paliwanag ni Daddy.
"Dad alam nyo if dahil lang dun sa nangyari ang inaalala nya okay lang sa akin yun. Mahal ko sya dad, mom pero ayaw ko naman na itali nya ang sarili nya sa akin ng dahil lang doon. Paano yung girlfriend nya if ever?
"Anak he loved you! Dati pa noong di pa kayo nagka hiwahiwalay. Dito dapat sya mag stay at mag tayo ng negosyo. But lumuwas ka ng Manila that's why naisipan nya na lang din pumunta ng Manila!"
"Dad! Sa dumaguete si Dale nag punta diba?"
"That's what you thought anak, but the truth is sa Manila sya nag continue ng masteral studies nya. Sinubaybayan ka nya anak. He know everything happened in your life." And we are stupid if aayawan namin ang offer nya na pakasalan ka." Sa sinabing yun ni Dad nanlaki ang mga mata ko sa gulat at di ako makapaniwala.
"Sorry anak wala kaming karapatan para pangunahan sya sa pag sabi sayo. Siya lang ang nakakaalam kung ano man ang plano nya. He is the one who have the right to explain everything. Take time to talk to him anak, yung mabuting time para sa inyong dalawa. Walang iistorbo sa inyo, maghanap ka ng tiempo na magka heart to heart talk kayo." Dagdag naman ni Mommy.
"Thanks po Mom and Dad sa suporta, alam nyo naman na hindi ako naglilihim sa inyo at buong buo ang tiwala ko sa inyo. Kayo ang mas nakakaalam kung ano ang makakabuti sa akin." Umiiyak sa saad ko habang kayakap ko silang dalawa.
Hindi pa kami nagkausap ni Dale after nung nag-usap kami nila Mommy at Daddy sa bahay. Hindi ako nag alinlangan sa desisyon nila. Nag dadalawang isip lang ako sa parteng pakasalan nya ako dahil may nangyari sa amin.! Baka naman panindigan nya lang ang nangyari sa amin. Baka naman hindi nya ako mahal?! Hay kahirap naman manghula. Bahala na ang Panginoon basta ako magpaka totoo lang ako. Go with the flow nalang ako yun nalang ang pinaka mabuting gawin ko. Tatanungin ko nalang sya mamaya kakausapin ko sya pag magkaroon kami ng pagkakataon.
"Baby, I think the offer was great. Mr. Chan wants to be a Stakeholder, mas gusto ko ang idea na to. Because we both know that Stakeholders tend to hold longer relationships with the company, like the employees, bondholders, shareholders. In terms of business, Stakeholders have economic benefits depending on their position or influence in your company. If you ask me I will accept this offer. Minsan lang ang taong like ni Mr. Chan, mostly bussiness man wants to be a stockholder right?! Okay naman yun but prefer ko tong stakeholder.
"Thank you dale, matagal na yan sya nag ooffer sa amin di ko pa lang talaga sya nabigyan ng oras. Hectic ang schedule ko daily, kaya nga mas gusto din ni Hazel na mag bakasyon ako. Lagi nya akong pinu push sa bakasyon. Ako lang yung ayaw maiwan ang company ko."
"I'm here now baby---
Naputol na ang sasabihin nya ng sabay na mag ring ang phine naming dalawa. Si Louie ang tumawag sa kanya, samantalang si Trixie namin ang tumatawag sa akin.
"I think we have to go down na, bored na siguro ang lover's." Sabay ngiti nya sa akin.
Hayy makalaglag panty ang ngiti nya. Partida ngiti pa lang yan. Nakaka inlove sya actually.
"Baby ano ayaw mo pa magbihis? Mahinhin na tanong nya sa akin."
"Kanina pa ako bihis," tara na!.
Hawak kamay na kaming lumas ng pintuan ng suite room na occupy namin. Pag labas namin ng lift hinapit nya ako sa beywang habang bi abaybay namin ang daan patungo sa kinaroroonan nila ni Louie.
"Tingnan mo yung place na yun dale oh. Parang may party noh? Sabay turo ko sa sinasabi ko.
Malawak ang ngiting bumaling sya sa akin at hindi nagsalita.
"You like that?" Tanong nya pa na ikinatango ko. Nabalik ang atensyon ko sa isang parte ng cottage na may magandang decoration, at nakita ko sa gilid ang asawa ni Nicole na si Angelo."
"Dale, di ba asawa yan ni nicole?" Lumipas ang 2 minuto na hindi sumagot. Kaya naman nilingon ko sya sa likod ko. At nagulat ako na nakaluhod si dale na tumaas ang isang kamay na may hawak na maliit na box na nkabuka, sa gitna neto ang singsing na diamond ang bato. Sa likod ni Dale nandoon ang mga kaibigan namin at ibang staff ng resorts nila ni Daddy. May hawak silang white cardboard na may letrang naka lagay na WILL YOU MARRY ME . At ang pangalan ko sa dulo na hawak ng pamilya ko kasali na doon si Kuya Ivan.
"Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at kusa nalang tumulo ang mga luha ko, na animo'y kinulong ng maraming taon sa mga mata ko. Nakahawak ang dalawang palad ko sa baba ko habang panay tulo ng luha ko. Ni walang isang salita mn lang na lumabas sa bibig ko. Pero panay tango ko naman kay dale ha ang umiiyak. Tiningnan ko sya sa mga mata nya at sincere ito yan ang nabasa ko sa mga mata nya.
"Yes dale, I will marry you!" Masiglang saad ko habang tinutulungan syang tumayo.
Biglang nagpalakpakan ang pamilya ko at mga kaibigan ko kasama na doon ang mga staff ng resort.
Isinuot sa akin ni dale ang singsing habang panay sabi nya ng Thank you Baby. Pagkatapos nya akong suotan ng singsing niyakap nya ako ng mahigpit at ginantihan ko rin sya ng ganun ka higpit na yakap. Hinalikan nya ako sa labi na parang walang mga tao sa paligid namin. Mainit at puno ng pagmamahal na halik. At nagtagal pa ng mga 3 minuto.
"Yehey" sabay talon talon nya sa buhanginan. Sinabayan sya ni Louie ni Kuya Ivan, Angelo at Daddy. Tinapik tapik ang balikat nya ng mga lalaking nakapalibot sa kanya.
"I love you" pabulong na saad ko sa kanya.
"I love you too Jairah" sigaw na reply nya sa akin. Kaya pinandilatan ko sya ng mga mata na ikinahagalpak nya lang ng tawa.
It's party time masayang saad ni nicole, na pinaunlakan naman ng mga kaibigan namin maliban kay Trixie na lukot ang mukha.
Ano ba problema ng babaeng to. Bulong ko sa sarili ko. Ang saya ko sa gabing ito. Nandito pala ang pamilya ko, planado na ba to ni dale? Geeling ko mas nainlove pa ako sa kanya ng dahil sa ginawa nyang yun.
"Walang tatanggi sa baso ha!" Masayang saad ni Louie at itinaas ang shot nya tanda na mag sisimula na ang party.
Pati mga pagkain sa mesa naka handa na at mukhang pinaghandaan talaga ha, ang dami. Ang inumin yung Negrino na kung saan nakalasing sa akin sa bar. Talagang inihire nya pa ang bar tender ha.
"Congrats Maam and Sir". Matamis ang ngiting ipinukol nya sa amin ni Dale.
"Salamat bro!" Masayang ngiti na saad din ni dale.
Nag kantahan at nag sayawan kaming tatlong babae, pinasama na namin sa party ang mga staff ng resort pero nahiya naman silang makigsabayan sa amin ng sayawan at kantahan.
"Ang ganda ng boses mo maam!" Palakpak at koro na saad ng mga staff.
"Thank you". malapad na ngiting ganti ko sa kanila.
"Mauna na kaming maligo tatlo ha." Bulong ko sa tenga nya sabay smack kiss ko sa labi nya.
Malokong mga ngiti ang ipinukol sa amin ng dalawang lalaking kaharap namin sa table.
Dahan dahan ko nang hinubad ang suot kong short at shirt. Tumambad ang bloody red kung two piece na mas lalong nag patingkad ng kulay ng balat ko.
Tumalikod na ako sa kanila na parehong nakatulos ang paningin sa akin. At kitang kita ko pa ang ilang beses na pag lunok ni dale ng sariling laway nya. Taas baba ang adams apple nya.
Do I look so hot? Pilyang bulong ko sa sarili ko. Imbes na hindi pa maligo si dale, dali dali syang nag hubad ng suot nyang Jeans at polo shirt na itinupi ang manggas. Tumambad ang red nyang board short na may print ng beach.
"Akala ko ba mamaya ka pa maligo?"
"Because your so damn hot and sexy sasabayan na kita baka maagaw ka pa ng shokoy sa akin." Napa hagalpak kami ng tawang dalawa.
"Pwede ba mamaya na kayo mag lampungan?" Ang enit sa mata eh!. Umiikot ang mga matang saad ni Nicole. Habang si Trixie tahimik lang na nakamasid sa amin.
Ngiti lang ang ginanti namin sa turan ni nicole. Masaya kaming nag kukwentuhan habang naka loblob sa tubig dagat.
Nanahimik ako saglit at inalala ang sulat ko para kay dale. Di pa ako makapaniwala na nagawa ko syang sulatan.
Dear Dale,
How are you today? I hope you doin' great since me I have a happy day. Dale pacensya kana kung hindi ako nakasagot kanina sa sinabi mong ligawan mo ako, at sa halip ay tinalikuran ko kayo.
Sorry kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo na hindi ko masasaktan si Louie. Mas nauna syang manligaw sa akin kaysa sayo, at alam mo yan dale.
Kanina nung nakahiga tayong tatlo sa damuhan at pinapanood ang mga stars at buwan. Wala doon ang concentration ko dale. Iniisip ko kung bakit ang dalawang lalaki na pamilya na ang turing namin sa isa't isa, ay na inlove sa akin?
Minahal ko kayo ng totoo at alam na alam nyo din yang dalawa. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa mas gusto nyong more than friends pa.
Actually masasaktan ko din kayo kahit na wala akong pipiliin sa inyo, you know why? Because one of hou expect to be my lover, If I choose one the other one will get hurt, Am I right? And if I choose not to pick one of you, you two will still hurt. Malaking abala ang naibigay ko sa inyo Dahil hindi na tayo maka pag focus sa trabaho at sa kung amo man ang ginagawa natin sa buhay.
Dale kung kaya mo pa akong antayin after college ko, sasagutin na kita nun pag manligaw ka sa akin. Alam mo naman na mahal kita diba? Mahal na mahal dale. Sana lang maintindihan mo rin ako.
But if di pa ako tapos ng college tapos may nagustuhan kang babae, ligawan mo dale hindi talaga siguro tayo para sa isa't isa. Isuot mo ang handmade bracelet na kasama nitong letter, ako ang gumawa niyan. Wag na wag mong huhubarin dale dahil habang suot suot mo yan kasama mo rin ako kasama mo ang puso ko lagi.
Take care always dale. Jairah
Hay naku halatang halata naman pala ako eh. Inaamin ko naman pala sa Sulat ang feelings ko for him. Ay naku ano ba yan.
"Baby you want to drink?." Wag lang marami ha.
"Dadamihan ko dale para masarap ang feelings mamaya." At napahagalpak ako ng tawa. Dahil sa realsyon nya sa sinabi ko.
"Why so naughty baby!" Hindi mo rin ma enjoy kapag lasing na lasing ka, hindi mo na ma feel ang ginagawa ko sayo." Sabay halik nga sa noo ko.
Feel ko na mahal ako ni dale, because of the way he act towards me, nakikita ko sa mga mata nya ang sincerity kapag tinitingnan nya ako. Ang tagal tagal ko syang pinahintay para marating namin ang relasyong ito. Sumasagi din sa isip ko na paano na ang matagal nya ng ka relasyon? May anak na kaya sila? Minsan gusto kong itanong sa kanya pero di ko rin kayang sirain ang masayang mood nya. Bala hindi nya magustuhan ang itatanong ko. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na antayin ko nalang na sya na mismo ang mag iopen up tungkol sa bagay na yan. Kaya ko naman syang antayin.
"Dale tara dun tayo sa may table kanta tayo ha!" Masayang pang aaya ko sa kanya.
"Do you really want me to sing?" Nakangiting tumatango ako sa kanya.
"Yes dale! Let's go" hawak ko pa sa kamay nya para umahon na sa tubig.
"Wait me here" saad nya habang nagmamadaling umahon at may kinuha.
"What is it?" Takang tanong ko din sa kanya. At tinitigan ko ang tela neto. Manipis to na may print.
"Isuot mo yan pag ahon natin para kahit hindi ka na mag bihis muna."
"At saan mo naman nakuha to?" Taas ang kaliwang kilay na tanong ko.
"Isuot mo nalang at wag kanang mag tanong muna". Mamaya sasabihin ko rin sayo kung saan galing yan."
Masaya kami na nag iinuman at nag kilukuwentuhan ng gabing yun. Mas masaya pa compare noong nag bar kami. Hindi ko na maalala kung anong oras kami natapos nung gabing yun.