Kabanata 2
Napalunok ako. Nasa labas kami ni Manuel sa malaking kompanya niyang hiniling kong sana mawala na lang. Ito ang kompanyang ipinagpalit niya sa akin. Gusto kong itapon ang dala kong luggage sa isa sa mga taong nakatayo sa harapan namin.
"Sorry po talaga Ma'am. Hindi po kasi ito hotel. This is Del Grande Enterprises." Napanguso ako sa sinabi ng Guard.
"Arcise, kunin mo nga 'yang scarf mo at nang makilala ka niya." Bulong ni Manuel.
"No. Ang init." Matigas kong sagot.
Lumapit ako sa guard at sumilong katulad niya.
"Kuya, alam ko pong hindi ito hotel. We are here for Mr. Red Del Grande." Mahinahon kong sabi.
"Ma'am kung wala po kayong access na maipapakita sa akin, hindi po kayo makakapasok sa loob." Napabuntong hininga ulit ako.
"Ano'ng access?"
"Access po. I.D or kung wala magpakita ka po sa akin na may permission ka via online para sa reservations." Tapos may kinuha siyang Ipad at ipinakita sa akin ang isang website. Uminit ang ulo ko sa kaartehan ni Red sa kanyang kompanya.
"GANUN BA? SIGE! SABIHIN MO SA SIR RED MO NA KAININ NIYA ANG KANYANG ACCESS. I HATE YOU!" padabog akong umalis sa harapan niya at iniwan ko si Manuel. Nagmamadali akong umalis at hindi ko na alam ang daang tutunguhan ko dahil sa init ng aking ulo. I hate it. May access-access pang nalalaman. Kainis! At ano? Dinadamay pa ako sa access-whatever niya sa kanynag kaartehan? Kainis!
Huminto ako nang maikalan malayong-malayo na ako. Umuusok sa sobrang init ang lugar kung saan ako ngayon. Kung bakit naman kasi eh. Sana di na lang ako bumalik. Kainis!
At anong website iyon? Ugh!
"Ma'am Arcise?" may puting van ang huminto sa harapan ko at nagbaba ito ng salamin. Bumungad ang mukha ng babaeng medyo pamilyar sa aking mata.
"Ma'am! Ikaw nga! Kahit naka-scarf ka, kilalang-kilala kita!" pinagbuksan niya ako ng van at bumaba siya. Agad niya akong niyakap. Napaatras naman ako at napabitaw siya ng yakap.
"H-hi?" walang kasiguraduhang bati ko sa kanya.
"Ma'am! What are you doing here? Nasa unahan pa ang DGE." Napasimangot na lang ako. DGE? It means, this girl is a DGE worker? At kilala pa niya talaga ako? Jeez. Too much question damn it!
"I know. Pero hindi ako pinapasok eh." Malungkot kong sabi at pilit na inaalala ang mukha niya. Saan ko nga ba ito nakita? Ilang taon akong nawala sa lugar na ito e.
Biglang tumunog ang cellphone niyang hawak at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo nang tingnan ito.
"Excuse me lang, Ma'am." Aniya.
"Hello Ma'am?.. Yes Ma'am. Nandito po siya sa tabi ko ngayon.. nasa waiting shed kami medyo malayo sa DGE. Yes. Okay.. Sige.. Hindi daw po kasi siya pinapasok.. Sige. Copy."
Napakunot noo ako. Sino iyon?
"Ma'am, it's the new secretary of Mr. Del Grande. Pasok na po tayo. Alam na po ni Sir Red na andito ka at napagsabihan na po niya ang Security." Napairap na lang ako. Whatever!
"Hindi okay lang. Hindi na lang ako pupunta doon. Babalik na lang ako sa-"
"Ma'am, mawawalan ako ng trabaho kung hindi ka sasama sa akin. Maraming nangyari. Mas lalong naging hindi-makausap si Sir Red simula nang magbakasyon kayo sa ibang bansa." Natigilan ako sa sinabi niya. What? Ako? Nagbakasyon?
"Hindi na ako ang Sekretarya ni Sir. Red. Nasa H.R na ako. May bagong pumalit sa akin at medyo may katandaan iyon. Kaya Ma'am, sumama na po kayo sa akin. Ito lang po ang trabaho ko." ngayon ko lang naalala na ito pala iyong sekretarya ni Red noong hindi ko pa ako naglayas.
Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Okay. Marami akong tanong at wala akong alam sa akung anong nangyayari sa loob ngayon.
Tumango na lang ako at nakita kong napahinga siya ng malalim. Oo nga, siya pala iyong dating HR.
Pumasok ako sa Van at binati ako ng mga kasamahan niya sa loob. Mga bagong mukha ang mga nakikita ko.
"Guys, ito nga pala si Ma'am Arcise. Ma'am, mga kasamahan ko sa HR Team." Tinanguan ko silang lahat at nginitian.
"Hi Ma'am! Ikaw pala. Its good to finally see you."
"Ma'am, ang ganda niyo po. Bagay po kayo talaga ni Sir."
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Gumapang ang kaba sa tuhod ko nang makitang huminto na kami sa harap ng DGE.
Inirapan ko ang Security Guard na nakanganga ngayon.
"Ma'am, sorry po. Hindi ko po kasi alam na ikaw pala si Ma'am Arcise. Ma'am patawarin niyo po ako, please lang. Wala akong ibang trabaho. Dito na ako nabubuhay. Sorry po." Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. Ganito ba ka sobra ang panghahawak ni Red sa leeg ng mga empleyado niya at nagiging kawawa sila? Na para bang isang mali lang nila, wala na silang trabaho?
"Okay lang." dahil naaawa ako. Marami akong walang alam. At isa na ito ngayon.
"Salamat po Ma'am." Pansin ko ang pamumula ng mata ni Kuya Guard. Natakot siguro siya ng sobra.
Nagniningning na palamuti ang bumungad sa akin nang makapasok ako. Mula sa chandelier sa ibabaw at sa marble-tiled floor sa baba, hanggang sa malalaking hagdanan sa gitna. Lahat nagbago.
"Good noon, Ma'am Arcise." Lumaki ang mata ko nang sabay-sabay ang mga tao na bumati sa akin. Nakayuko pa silang lahat. Huminto pa ilang nag-uusap at binati din ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa gulat. Kilala nila akong lahat? Oh my god.
Dahan-dahan silang umayos ng tayo at binigyan ako ng ngiti. Napangiti ako sa ibinigay nilang pagbati sa akin.
"Ma'am, naghihintay na po si Sir Red sa inyo. Pakisunod nalang po ako, Ma'am. I will guide you to his area." Singit ng babae sa tabi ko. Nanginginig ang kamay kong sumunod sa kanya. Tinahak namin ang elevator. Huminto kami sa 11th floor na siyang pinakataas na floor. Dito pa din pala ang opisina niya.
"Hanggang dito na lang po ako Ma'am kasi hindi kami pwedeng pumarito." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Talaga? At bakit?
"Salamat," Sabi ko at saka lumabas ng elevator.
Napahawak muna ako sa aking dibdib.
"Good noon Ma'am." May isang babaeng may-edad ang bumati sa akin. "I am Bernardia, the executive secretary and you must be Mrs. Arcise Del Grande." Una kong napansin ang pulang-pula niyang labi kaysa sa bati niya sa akin. "Nasa loob po si Sir at ang kasamahan mong si Manuela ata?" Oh my god! Nakalimutan ko nga siya kanina sa sobrang pagkainis ko. At narito na siya? Paano?
Dali-dali akong tumakbo papasok sa opisina ni Red at agad kong nakita si Manuela.
"ARCISE!!" tumakbo si Manuela papalit sa akin pagkapasok ko. Binungad niya ako ng yakap. Hinampas ko ang kanyang dibdib sa kanyang pag-aarte. Ang O.A! Akala mo naman ilang taon kaming hindi nagkita.
"Ouch! Bakit mo hinampas?! Masakit alam mo ba? My! My precious little young boobs." Napatawa na lang ako. Nakakahiya ka talaga, Manuela!
"Saan siya?" pag-iibang usapan ko. Nagsimula na namang mangalabog ang puso ko.
"Ooy. Excited si Ate Arcise.. miss na miss mo na ano? Ooy aminin." Uminit ang pisnge ko.
"Ano ba?!" sabi ko at pinandilatan siya ng mata. "Baka marinig ka."
"Eeh, aminin mo na kasi."
"Syempre. Miss na miss ko na. Happy? Kaya shut up ka lang. Baka marinig tayo." Sabay hawak ko sa braso niya.
"Narinig ka na niya. Wag kang mag-alala. Nasa likod mo siya." Napatigas ako sa sinabi ni Manuela.